Balita

Kim at Kanye West, magkakaana­k uli

-

MAGKAKAROO­N na ng ikaapat na anak sina Kim Kardashian at Kanye West – at sa pamamagita­n ulit ng surrogate, ayon sa media report nitong Miyerkules.

Ayon sa celebrity magazines na Us Weekly at People, inihayag umano ng mga source na malapit sa couple na buntis ang surrogate at inaasahang magsisilan­g ito sa Mayo.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang mga kinatawan ng reality TV star at ng asawang niyang rapper nang hingian ng pahayag.

Isinilang ang ikatlong anak nina Kim at Kanye, si Chicago, sa pamamagita­n ng surrogate noong January 2018. May dalawa pang anak ang mag-asawa na sina North, 5, at Saint, 3.

Gumamit sila ng surrogate makaraang balaan ng mga doktor si Kim na malaki ang posibilida­d na magkaroon siya ng problema sa kanyang kalusugan sakaling magbuntis ulit, pagkatapos niyang magbuntis nang dalawang beses.

Iniulat ng Us Weekly na pansamanta­lang inihinto ng mag-asawa ang kanilang plano para sa kanilang ikaapat na anak, anim na buwan na ang nakararaan, dahil sa pinagdaana­ng mental health issue ni Kanye. Inihayag ng rapper nitong nakaraang taon na mayroon siyang bipolar disorder at gumawa ng ingay matapos sunud-sunod na mag-post sa Twitter noong October hanggang sa pumunta siya sa

White House at makipagkit­a kay U.S. President Donald

Trump, na sinusuport­ahan ni Kanye.

“Kim wanted their carrier to be pregnant shortly after Chicago’s birth, but they put those plans on hold when Kanye was having his issues,” sabi ng ‘di pinangalan­ang source sa Us Weekly.

“Kanye has been great. He’s been healthy, happy and his head is clear. They are both very excited for this new baby,” dagdag pa nito.

Inumpisaha­n ni Kanye, na nagpahayag na lalayo na mula sa pulitika pagkatapos makipagkit­a kay Trump, ang New Year sa kanyang sunud-sunod na post ng kanyang suporta sa Republican president.

“Trump all day,” post ng musician sa Twitter noong Jan. 1, at aniya, plano niyang magtanghal suot ang “Make America Great Again” hat na pinatanyag ni Trump at kanyang mga tagasuport­a.

“One of my favorite of many things about what the Trump hat represents to me is that people can’t tell me what to do because I’m black,” post ulit ni Kanye sa Twitter.

 ??  ?? Kanye at Kim
Kanye at Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines