Balita

Mga senior na may heart failure, puwede pang uminom ng alak

-

MAAARI pa ring uminom ng alak ang matatanda na mayroong sakit sa puso o heart failure ngunit nang paunti-unti nang hindi naaapektuh­an ang kanilang kalusugan, napag-alaman sa bagong pag-aaral.

Sa katunayan, tinatayang mas magiging mahaba ang buhay ng mga naturang pasyente kung makakakons­umo ng hanggang pitong baso ng alak sa isang linggo, kaysa mga pasyenteng tinalikura­n na talaga ang pag-inom ng alak, inireport ng mga mananaliks­ik sa JAMA Network Open.

“If you’re 65 and above and have had a diagnosis of heart failure and previously consumed mild to moderate amounts of alcohol, you can probably continue to do so without any harm,” pahayag ng pangunahin­g awtor na si Dr.

David L. Brown, isang propesor ng medisina sa Washington University sa St. Louis, Missouri. “And it may actually be associated with some benefit in terms of longevity, although there is no way to show cause and effect from this study. We found that those who continued to consume moderate amounts of alcohol after diagnosis lived almost a year longer than those who never consumed alcohol.”

Ngunit, babala ni Brown, “if you have never consumed alcohol, don’t start on the basis of this study.”

Pumitik sa isipan ni Brown ang ideya para simulan ang pag-aaral nang tanungin siya ng isang pasyente sa ospital na na-diagnose na may heart failure kung maaari pa ba niyang ipagpatulo­y ang pag-inom ng alak gabi-gabi.

Bumabagsak o ‘di na gumagana ang puso kpaag hindi na nito kayang magbomba ng sapat na dugo para dumaloy sa katawan. Mayroong ilang dahilan ang heart failure, lahad ni Brown, kabilang ang “having a heart attack that results in loss of heart muscle function, longstandi­ng high blood pressure, obesity, diabetes and even drinking excessive amounts of alcohol.”

Bakit makatutulo­ng ang pag-inom ng kaunti at paminsan-minsan sa paghaba ng buhay ng mga heart failure patients? “That’s the $64,000 question. We don’t have the answer for that,” sabi ni Brown.

“And we still don’t know if alcohol is the primary reason people lived longer,” dagdag niya. “It may be that people who drink do it as part of a social network and that is the benefit rather than the alcohol.”

Nakatulong ang nadiskubre sa mga doktor para sagutin ang mga katanungan ng mga pasyente kung maaari pang uminom ang mga ito, sabi ni Dr. Erin Michos ng Ciccarone Center for the Prevention of Heart Disease sa Johns Hopkins School of Medicine sa Baltimore, Maryland.

Ngunit binanggit din ni Michos na ang natuklasan sa pag-aaral ay hindi maaaring i-apply sa lahat ng pasyente. “Their study was limited to those who had already survived to at least 65 years . . . and the mean age of these heart failure patients was 79 years; thus their findings cannot necessaril­y be extrapolat­ed to younger individual­s whomightha­velonger life expectanci­es,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines