Balita

15 dinampot sa pot session

- Mary Ann Santiago

Labing-limang katao, na kinabibila­ngan ng siyam na menor de edad, ang inaresto nang maaktuhan umanong gumagamit ng ilegal na droga sa Barangay Tumana, Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Art Cruz Viloria, 23; July Lyndon Lumadilla, 28; Jojo Arnais, 18; Gilbert Bertiz, 33; pawang residente ng Bgy. Tumana; Nelson Ramos, 52; Delfin Castillo, 24, kapwa taga-Bgy. Malanday, Marikina City; at siyam pa na nasa edad 14-17.

Sa ulat ng Marikina City Police, inaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct 4, sa pangunguna ni Police Insp. Gerardo Nuestro, ang mga suspek habang nagpa-pot session sa Block 8, Mustasa Street, sa Bgy. Tumana, dakong 9:55 ng gabi.

Una rito, nakatangga­p ng sumbong ang mga pulis mula sa isang concerned citizen hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya agad na sinalakay ang lugar.

Pagsapit sa tinukoy na lugar, napansin ng mga awtoridad ang pagkukumpu­lan kaya kaagad nang pinasok ang bahay at inaresto ang mga suspek.

Narekober sa operasyon ang anim na pakete ng hinihinala­ng shabu, isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang improvised metal pipe, dalawang disposable lighter, isang transparen­t na pakete, at isang timbangan.

Nakapiit ang mga suspek sa Marikina PNP at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 13 at 14 ng Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002), habang ang mga menor de edad ay nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines