Balita

‘The Notebook’, mapapanood na sa Broadway

- Ryan at Rachel

LOS ANGELES (Reuters) – Malapit nang mapanood sa Broadway bilang musical show ang romantic drama na The Notebook, na naging daan sa isang real-life love story sa pagitan ng mga bida ng pelikula na sina Ryan Gosling at Rachel McAdams.

Ibinahagi ng singer-songwriter na si Ingrid Michaelson sa show ng NBC na Today

nitongHuwe­bes na mahigit isang taon na niyang binubuo ang musical. Si Bekah Brunstette­r, ang producer ng NBC family drama series na This is Us, ang sumusulat ng show na ipo-produce katuwang si Nicholas Sparks, ang author ng libro kung saan ibinase ang kuwento.

Taong 1996 nang ilabas ang nobela, na kuwento ng isang couple na puno ng pagmamahal­an at nasubok ang relasyon.

Isinapelik­ula ito taong 2004, at pinagbidah­an nina Ryan at Rachel bilang magkasinta­han sa taong 1940s na naghiwalay, at muling pinagtagpo. Sa kabila ng hindi magagandan­g reviews, naging paborito ng marami ang pelikula at napasali sa listahan ng best romantic movies of all time.

Hindi alam ng marami na may katotohana­n ang on-screen chemistry sa pagitan ng dalawang bida. Na matapos magkakilal­a sa set ay naging magkasinta­han noong 2005-2007, at muling nagtagpo sa maikling panahon noong 2008.

Sinabi naman ni Nicholas na excited siya na magtrabaho para sa Broadway adaptation, lalo dahil ang kuwento “is near and dear to my heart.”

Wala pang cast o petsa ng pagpapalab­as ang inihayag para sa Broadway show, na susunod sa mga naging musical adaptation ng pelikula tulad ng Mean Girls at Pretty Woman, kamakailan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines