Balita

Traffic rerouting sa Maynila, simula bukas

- Mary Ann Santiago

Magpapatup­ad ng road closures at traffic rerouting ang Manila District Traffic Enforcemen­t Unit (MDTEU) sa panahon ng mga aktibidad para sa pista ng Quiapo sa Miyerkules, Enero 9, na inaasahang dadagsain ng milyunmily­ong deboto ng Mahal na Poong Nazareno.

Ayon sa MDTEU, simula bukas, Enero 7, ay isasara na ang ilang kalsada sa siyudad kaugnay ng pagbabasba­s at prusisyon para sa mga replica ng Nazareno.

Nabatid na simula 11:00 ng umaga ay sarado na ang southbound lane ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/ Fugoso hanggang Plaza Miranda, at ang westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street.

Dahil dito, ang mga sasakyan mula sa España na magtutungo sa Roxas Blvd./South Pier Zone/Taft Avenue ay pinakakana­n sa P. Campa, diretso sa Fugoso Street. Ang mga nais namang dumaan sa Quezon Boulevard, mula sa A. Mendoza, ay pinakakana­n sa Fugoso at kaliwa sa Rizal Avenue.

Sa Martes, Enero 8, sisimulan ang vigil o “Pahalik” sa imahen ng Nazareno, at ganap na 5:00 ng umaga ay isasarado na ang Katigbak Drive, South Drive, at Independen­ce Road.

Ang mga sasakyan mula sa Bonifacio Drive at P. Burgos na dadaan sa Independen­ce Road ay pinadidire­tso sa Roxas Boulevard, habang ang mga mula sa Roxas Blvd. at TM Kalaw na dadaan sa Independen­ce ay dapat na dumiretso sa Roxas Blvd., samantalan­g ang mga patungo ng Manila Hotel at H2O Hotel ay may one lane-access sa Katigbak.

Bilang paghahanda naman sa Traslacion, simula 10:00 ng gabi ng Martes ay sarado na ang Katigbak Drive at South Drive, ngunit may isang one lane-access patungong Manila Hotel at H2O Hotel; northbound lane ng Quezon at McArthur Bridge mula sa Bonifacio Shrine, at Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang Bonifacio Shrine.

Para sa mismong Traslacion sa Miyerkules, ganap na 12:00 ng umaga ay sarado na ang Mc Arthur, Jones at Quezon Bridges; ang Roxas Blvd. mula sa Katigbak hanggang TM Kalaw; ang magkabilan­g lane ng Quezon Blvd. (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso at España Ave. / P. Campa para sa southbound; at ang mula Taft Avenue/Ayala Blvd. para sa northbound.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines