Balita

4 Army rescue Ateams, ipinadala sa Bicol

- Aaron Recuenco

Dinagdagan pa ng pamahalaan ang ipinadalan­g mga sundalo sa Bicol region upang tumulong sa search at relief mission sa mga lugar na sinalanta ng baha at landslide na bunsod ng bagyong ‘Usman’.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Army (PA) commanding general, Lt. Gen. Macairog Alberto.

Aniya, apat na search and rescue team (SRT) ang idineploy sa Bicol, kasama ang iba pang heavy equipment na gagamitin sa clearing at rehabilita­syon sa lugar.

“These teams will augment our forces in Bicol region who are currently assisting the local government units for they needs,” ayon kay Alberto.

Tutulong, aniya, ang karagdagan­g tropa ng mga sundalo sa Camarines Sur at Albay kung saan naitala ang karamihan sa mga nasawi sa landslide at flashflood.

Kahapon, aabot na sa 126 ang naiulat na nasawi, 109 sa mga ito ay mula sa Bicol.

Sa report, nasa 20 iba pa ang hindi pa naisasama sa listahan ng mga nawawala.

Bukod sa Bicol, aabot naman sa 13 katao ang naiulat na nasawi sa Eastern Visayas at ang apat na iba pa ay sa Southern Tagalog region.

Sinabi ni Alberto na nasa lugar na rin ang mga rescue team ng Navy, Air Force, Coast Guard, PNP at Bureau of Fire Protection.

“We also facilitate­d the transport of various rescue equipment, medical supplies, carpentry tools, cadaver bags, folding beds, shovels and portable generators to complement the disaster response effort of local government units and other concerned government agencies in the area,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines