Balita

R3.4-B ayuda para sa mga nasalantan­g magsasaka ngayong 2019

- PNA

NAGLAAN ang Department of Agricultur­e (DA) ng P3.4 bilyong tulong pinansiyal para sa mga magsasakan­g labis naapektuha­n ng kalamidad, sinabi ni Agricultur­e Secretary Emmanuel Piñol, nitong Huwebes.

Ayon kay Piñol, ang libu-libong magsasaka, na ang mga pananim ay nasira ng mga pagbaha at landslides na dulot ng malakas na buhos ng ulan dala ng bagyong Usman, ay mabibigyan ng pinansyal na tulong mula sa ahensiya.

Aniya, nasa 28,714, na magsasaka na nagbubungk­al ng 12,000 ektaryang lupain na nawasak ng mga pagbaha at landslide na tumama sa Bicol, ay maaaring makatangga­p ng P25,000 soft loan assistance at ng P5,000 tulong sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program (SURE) of the Department of Agricultur­e (DA).

Bukod sa pinansiyal na tulong, bibigyan din ang mga magsasaka ng libreng binhi upang mapalitan ang kanilang mga tanim na sinira ng kalamidad.

Kamakailan ay nagdaos ang DA ng talakayan na “Biyaheng Bukid Tapatan: Gobierno at Mamamayan” sa Libon town Gymnasium sa Libon, Albay kung saan niya ibinigay ang mahigit P3.2 milyong halaga ng mga kagamitang pansaka at makinang pang-agrikultur­a sa 1,000 miyembro ng mga grupo ng magsasaka sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Emilia Bordado, DA Bicol spokespers­on, nasa P596.3 milyon ang inisyal na nawala sa agrkultura dulot ng Usman.

Nagdulot umano ang Usman ng mga pagbaha at landslides, na nakaapekto sa mahigit 31,000 ektaryang lupain agrikultur­al sa Bicol. Sa datos na ito, 12,000 ektarya ang lubusang nawasak at 19,000 ang bahagyang nawasak na may tsansa pang mabawi.

Sa ulat, ang sektor ng bigas ang may pinakamala­king pagkalugi sa P514 million o mahigit 16,331 metriko tonelada ng palay; kasunod ang mais, P27.5 milyon; highvalue crops, P40 milyon; livestock, P12.7 milyon; at pangingisd­a, P871,050.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines