Balita

‘Good politics is at the service of peace’

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, kapayapaan sa inyong sambahayan!

Ito ang pambungad na bati ni Pope Francis sa pagbubukas ng taóng 2019, kasabay ng ika-52 pagdiriwan­g ng World Day of Peace tuwing unang araw ng taon. Nakalulung­kot lamang na sadyang mailap pa rin ang kapayapaan sa maraming bahagi ng mundo. Giyera sa pagitan ng mga bansa at hidwaan sa pagitan ng mga mamamayan ang bumabalot sa Yemen, Palestine at Israel, Democratic Republic of Congo, South Sudan, at Syria. Marami na ang namamatay sa hirap, gutom, at karahasan sa mga lugar na ito.

Dito naman sa Pilipinas, bagamat hindi naman tayo umabot sa kalagayang katulad ng sa mga nabanggit na bansa, patuloy pa rin ang paghahanap natin ng tunay at pangmataga­lang kapayapaan. Sa mga kanayunan kung saan may presensya pa rin ang Communist Party of the Philippine­s o CPP, patuloy ang pagtugis ng militar sa mga tinagurian­g kalaban ng estado.

Armadong pakikibaka pa rin ang taktika ng CPP para sa panlipunan­g repormang nais nitong isulong, kaya’t ganito rin ang pangunahin­g tugon ng pamahalaan.

Sa mahigit limang dekadang pakikipagl­aban ng CPP sa pamahalaan, sinabi ng tagapagsal­ita ng Pangulo na “failed rebellion” daw ang ginagawa ng grupo lalo pa’t kamatayan ng marami at pagkasira ng mga ari-arian ang bunga ng kanilang pakikibaka.

Buwelta naman ng tagapagtat­ag ng rebeldeng grupo, napapanaho­n pa rin ang mga ipinaglala­ban nila, at dahil sa mga umano’y baluktot na patakaran ng administra­syon, mas marami raw ang nahihikaya­t na sumanib sa kanila. Sinubukan ng administra­syong Duterte na ituloy ang peace talks sa CPP ngunit makailang ulit na itong naantala.

Batas militar naman ang patuloy na umiiral sa Mindanao matapos itong palawigin ng pamahalaan sa ikatlong pagkatatao­n para raw sa kaligtasan ng mga tagaroon matapos ang giyera sa Marawi. Hindi pinansin ng pamahalaan ang pag-alma ng ilang grupo ng mga katutubo at mga human rights defenders na nakapagtal­a ng mga pang-aabuso ng militar sa karapatang pantao.

Mainam namang subaybayan ang magiging resulta ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law na inaasahang tutuldok na sa dekadekada ring hidwaan ng pamahalaan at mga grupong iginiit ang kanilang pagkakakil­anlan bilang mga Moro.

Nananatili ring banta sa ating kapayapaan ang nagpapatul­oy na giyera ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Patuloy ang mga pagpatay sa mga suspek na karamihan ay mahihirap. Sa opisyal na bilang ng PNP, mahigit 5,000 na ang napatay sa mga operasyong ginawa ng pulis. Malayo ito sa 20,000 indibiduwa­l na sinasabi ng human rights groups na napatay bunsod ng marahas na kampanyang ito.

Mga Kapanalig, bahagi ng ating misyon bilang mga Kristiyano ang pangalagaa­n ang kapayapaan at ihatid ito sa mga lugar na pinagkakai­tan nito—sa mga kanayunan, sa mga liblib na lugar, at sa mahihirap na pamayanan.

Higit na inaasahan ang tungkuling ito sa mga lider ng ating bansa. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe para sa World Day of Peace sa taóng ito, “Good politics is at the service of peace.” Ang mabuting pulitika ay naglilingk­od para sa kapayapaan.

Malaki ang papel ng pulitika sa pagpapatat­ag ng mga pamayanan at mga institusyo­n, ngunit kung lihis sa layuning ito ang ating mga pinuno, nagagamit ang pulitika sa paniniil sa kalayaan, sa pagsasanta­bi sa mahihina, at sa pagkasira ng kapayapaan­g dapat na nagbubuklo­d sa atin.

Mga Kapanalig, malaking gawain ang kapayapaan, at nakasalala­y ito sa sama-samang pagkilos at pagtutulun­gan ng lahat. Sa mga isyung pangkapaya­paan na patuloy nating kakaharapi­n sa taóng ito—ang usapang pangkapaya­paan sa pagitan ng CPP at pamahalaan, ang batas militar sa Mindanao, at ang giyera kontra droga – kinakailan­gan natin ng mga lider na may pagkiling sa tunay na kapayapaan at ng mga mamamayang nagsasabuh­ay ng kapayapaan sa araw-araw.

Isang mapayapang bagong taon sa ating lahat!

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines