Balita

Anti-Kristo

- Bert de Guzman

NOONG panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino (PNoy), isa si Budget Sec. Benjamin Diokno sa mga agad tumututol sa balak ng Aquino administra­tion na magtaas ng anumang uri ng buwis. Sa ngayon, si Diokno ay isa sa arkitekto ng Tax Reform Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law na nagbunsod ng pagtaas sa presyo ng halos lahat ng bilihin at serbisyo o inflation na umabot pa sa 6.8%.

Habang isinusulat ko ito, si Diokno (na ang unang pangalan ay binibigkas ng ilang broadcaste­r/

reporter bilang Bendyamin gayong dapat ay Benhamin) ay nasa ibang bansa habang ginaganap ng House committee on rules sa pamumuno ni Majority Leader Andaya ang pagdinig sa Naga City tungkol sa umano’y anomalya sa multi-billion-peso flood control projects ng gobyerno.

Naismalama­nngmgamamb­abatas kung papaano at bakit ang lumubog sa tubig na bayan ng Sorsogon ay “zero budget”, gayong ang 15 bayan ng probinsiya ay pinaglaana­n ng P10 bilyon sa mga proyekto, kabilang ang flood-control projects. Ang bayan daw ng Casiguran, na ang mayor ay balae ni Diokno, ay tumanggap ng mahigit sa P300 milyon.

Nangako si Andaya na ibubulgar niya ang mga “insertion” na ginawa ng DBM sa pambansang budget at kukuwestiy­unin ang umano’y pagsisingi­t nito sa flood control projects. Abangan na lang natin kung ano ang kalalabasa­n ng pagdinig ng House rules committee at ng House committee on accounts ni Minority Leader Danilo Suarez ng Quezon.

Matindi ang paalala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga kabataan, kabilang ang inaanak (godson) na si Seth, hinggil sa umano’y paglipana ng mga Anti-Kristo (AntiChrist­s), na iba ang aral sa Panginoong Hesukristo.

Ang unang payo ni Villegas sa mga kabataan at mamamayan ay laging magdasal at dumalo sa misa nang madalas. Iginiit at inulit niya na hindi dapat pakinggan ang mga taong nagsasabin­g huwag nang magpunta sa simbahan at makinig ng misa.

Sinabihan niya si Seth na huwag mang-insulto ng kapwa o magmura. “Dirty words that come out of your mouth-- foul language, lies gossips, slander, malicious jokes-- make you

crass and ungentlema­nly.” Pinayuhan din niya ang inaanak na huwag gumamit ng illegal drugs kahit mga kaibigan pa niya ang nag-aalok.

Natutuwa ang mga tao na kahit papaano, dalawang relihiyoso­ng mamamayan na ngayon ang tumatayo at nagsasalit­a laban sa walang puknat na pagbanat ng ilang lider ng bansa sa Simbahang Katoliko. Sila ay sina Manila Archbishop Luis Cardinal Antonio Tagle at Villegas. Halos lahat ng sektor ng lipunan ay takot at nangingini­g ngayon na kumontra sa administra­syon.

Bukod kina Tagle at Villegas, dalawang babae pa ang nagsasalit­a ngayon. Sila ay sina Sen. Leila de Lima at Sr. Mary John Manansan, OSB ng Institute of Women’s Studies ng St. Scholastic’s College.

Sabi ni De Lima sa wikang English: “Shame on you, all of you, who by your apathy, silence or plain cowardice have become enablers of this new order of political turmoil and moral decay.”

Pahayag naman ni Manansan: “What is even more disgusting is, as usual, his audience that looked like educated people have descended so low in such a short time. Was there no one there with the decency and courage to get up and leave?”

Ang diwa at buod ng dalawang pahayag nina De Lima at Manansan ay tagos sa puso: Walang kumikibo, takot at naduduwag. Mga edukado pa namang tao, pero natatawa sa mga joke na hindi kanais-nais. Magdasal tayong lahat para sa kagalingan ng gobyerno at ng bayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines