Balita

Aiko, may payo sa mga baguhan

- Ni MERCY LEJARDE Aiko

NASUBAYBAY­AN namin ang umpisa ng showbiz career ni

Aiko Melendez, at never kaming nakabalita na naging sakit siya ng ulo ng kahit na sinong movie producers.

Maski sa aming mga showbiz reporter-writers ay lagi siyang may pasalubong na matamis na ngiti, with matching beso-beso, in pernes.

Kaya nga isa kami sa natuwa nang masungkit niya ang Best Supporting Actress award sa katatapos na 2018 Metro Manila

Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal, para sa pagganap niya sa Rainbow’s Sunset.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Aiko ang kanyang payo sa mga baguhang artista.

“For the Newbies: The more you go up, the more you should be humble. Always keep your feet on the ground. Never allow stardom to eat the best of you.

“Ang observatio­n ko kasi sa mga baguhan now, kapag madaming followers sa Twitter or Instagram, ibig sabihin made ka na. Nope po. Ang basis ng kasikatan ng artista is not only with one hit. Kaya nga may tinatawag na longevity, hanggang saan tatagal ang kinang at galing mo?

“‘Yung iba kasi ginagamit din ang pagiging Diva sa imaging. But for me mas gugustuhin ko madinig sa katrabaho ko na, ‘ay si Ms Aiko, ang gaan kasama sa work at magaling na artista’. Kaysa sa madinig na ‘ang bigat niya kasama’.

“I am speaking based on the fact na 30 years na ako sa industry at modesty aside wala pa ako naringgan na nagreklamo sa akin,” post ni Aiko.

Ayan, tularan sana ng mga baguhan ‘yan! Be humble.

Very well said, Aiko Melendez! Sana nga ay pakinggan ka ng mga baguhang artista ngayon, para hindi lang sila tumagal nang 30 years sa movie industry natin kundi more than 30 years pa. Mabuhay ka, Aiko, and more projects to come ngayong 2019!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines