Balita

Lalaki, tumatahol matapos makagat ng aso

-

Sentro ng debate ngayon sa African social media ang viral video ng isang South-African na lalaki na kumakahol matapos umanong makagat ng isang may rabies na aso.

Sumikat ang video ng i-share ito ng isang Instagram influencer at entertaine­r nasi Tunde Ednut. Sa video, makikita ang lalaking nakasuot ng isang oxygen mask habang nakahiga sa isang hospital stretcher at maririnig ang kanyang pagtahol. Ayon sa lalaking kumukuha ng video “[he is filming a] beast like you’ve never seen before” kasama ng pagsasabin­g ang pagtahol ng lalaki ay dulot ng rabies nang makagat ang “barking man” ng isang rabid dog.

Bagamat dalawang linggo na ang nakalipas, huminto umano sa pagsasalit­a ang biktima at sa halip ay kumakahol na lamang umano ito.

Maasahang tatawagin fake ang video at ang pagtahol ng lalaki, ngunit mababasa sa komento ng mga tao na hindi lahat ng mga ito ay sumasangay­on na fake ito. Hati ang opinyon ng libu-libong nagkomento, na ang ilan ay pumuri sa lalaki at tinawag na “pretender of the universe” habang naninindih­an ang ilan na totoo ang nangyari sa lalaki tulad ng “it’s real, I’ve seen this before”, o “this is real and deres no treatment for it…the poison has spread and has gotten to his heart…”.

Bagamat ‘obvious’ na nagkukunwa­ri umano ang lalaki, dahil sa maraming tao na naniniwala dito, kinuha at ginamit ang istorya ng ilang malalaking media outlet sa Africa at ipino-promote bilang totoo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines