Balita

Carlo Yulo, bumalik na sa Japan upang ituloy ang training

- Annie Abad

Umalis na patungong Japan ang batang gymnast na si Carlo yulo upang ipagpatulo­y ang kanyang training para sa 2019 SEA Games at pati na ang kanyang pag-aaral.

Si Yulo ang unang Filipinao na nakakuha ng bronze medal sa nakaraang 2018 World Artistic Gymnastic Championsh­ips na ginanap sa Aspire Dome sa Doha Qatar noong nakaraang Nobyembre.

Kamakailan ay umuwi ng bansa si Yulo upang ipagdiwang ang pasko at Bagong taon kasama ng kanyang pamilya,.

Kasabay nito ay binigyang pugay din ng Gymanstics Associatio­n of the Philippine­s (GAP) ang batang si Yulo dsahil sa kanyang karangalan na iniuwi sa bansa.

Bukod dito ay ipinagkalo­ob din ng Philippine Sports Commission (PSC) ang insentibo na P250,000 bilang pagkilala sa kanyang tagumpay.

"Our relentless efforts and determinat­ion to grab a piece of those elusive medals in the world championsh­ips has paid off," pahayag naman ni Cynthia Carrion na siyang presidente ng Gymnastics Associatio­n of the Philippine­s (GAP).

"What Caloy has become today was never an easy way up. He was a young boy who frequented the gym, and the first time I saw his executions and movements, I particular­ly noticed something so different in this boy," pahayag ni Carrion.

Masaya si Yulo na nakapag uwi siya ng karangalan para sa bansa kung kaya naman mas pinag-iigting pa niya ang kanyang bawat ensayo upang magkaroon ng kabuluhan ang kanyang paglayo sa pamilya pansamanta­la upang ituloy ang training at pag-aaral niya sa bansang Japan.

"Masaya po ako dahil nakapagbig­ay po ako ng karangalan sa bansa. And natutuwa po ako dahil alam ko po na buo ang suporta ang mga sports officials natin at lalo na po ng pamilya ko," ani Yulo.

"What we have achieved at this point is equally credited to the full training support of MVP Sports Foundation and of the Philippine Sports Commission headed by Butch Ramirez. Caloy's being a part of the Solidairty program of the Philippine Olympic Committee (POC) has helped him as well. This is not to undermine the great efforts and winning tecniques that his coah Munehiro and therapist Jumpei Konno contribute­d to readying him for the world stage," pahayag ni Carrion.

Kasalukuya­ng sinusuport­ahan ng PSC ang training ni Yulo sa Japan sa pamamgitan ng pagbabayad ng serbisyo ng kanyang Japanese coach.

Pitong medalya ang ipinangako ni Carrion na makukuha ng gymnastics sa SEA Games para kay Yulo, habang target naman nila ang ginto sa 2020 Tokyo Olympics.

"Sisikapin po na kayanin na kmaka gold. Sa ngayon po ang level of training ko na kasi 50% ang mga kalaban po nasa 90% na sila, Pipilitin po natin na habulin yung level nila para makasabay po," ayon naman kay Yulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines