Balita

Biado paghahanda­an ang 2019 SEA Games

- Annie Abad

Magiging abala ngayong taong 2019 ang pamabato ng Pilipinas sa billiards na si Carlo Biado, gayung kailangan niya na sumabak sa ilang tune-up games bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa nalalapit na hosting ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Hindi man na depensahan ni Biado ang kanyang titulo, sa katatapos na 2018 9- Balls Championsh­ips aniya, mas marami siyang kailangan na pagtuunan ng pansin para sa taong ito at masaya siya sa kbila ng kanyang pagkabigo.

"Kailangan nating mag prepare para sa SEA Games. So kahit na hindi ko na defend yung title ko, masaya kahit natalo, kasi umabot tayo sa finals,” ayoin kay Biado.

Paghahanda­an ni Biado na magsanay sa mas lap[at na pamaesa na siyang naging dahilan ng kanyang pagkabigo nitong nakraang laban niya kontra sa pambato ng germany na si Joshua Filler.

"Nahirapan ako sa table. Hindi ako nakapag adjust agad. Masyado kasing straight. So yun ang naging edge sa akin ng kalaban. Straight shooter kasi siya eh, "kuwento ni Biado.

Bilang p[aghahanda sa SEA Games ay sasabak siya sa mga tune up games gaya ng Derby City Championsh­ip ngayong Enero, 9-ball US Open na gaganapin sa Las Vegas sa Abril at ang World 10- ball sa Hulyo.

"Syempre paghahanda­an natin ang SEA Games. Pero bago yan kailangan practice muna nang husto para talagang may laban tayo," pahayag ni Biado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines