Balita

Pag-asa ng kapayapaan ang hiling ng mundo ngayong 2019

-

NASAKSIHAN ng mundo ang isang mapayapang pagpapalit ng taong 2019 nitong Martes, kasama ng mga fireworks na nagsabog ng liwanag sa madilim na kalangitan sa maraming s’yudad sa pagwawakas ng hatinggabi ng lumang taon. Ang Line Islands sa timog ng Hawaii, kasama ng silangang dulo ng Siberia ng Russia, ang unang sumalubong sa 2019, na nasa kanluran lamang ng Internatio­nal Date Line.

Sa pag-inog ng mundo, nagsimula na ang sunud-sunod na pagsalubon­g ng bagong taon sa New Zealand at Australia, sa Japan at Korea, sa Pilipinas at Indonesia, sa Mongolia, China, at sa Timogsilan­gang Asya. Kasunod ng pagdiriwan­g ng India at ng Gitnang Silangan, na sinundan ng Europa at Africa, at ang huli ang Timog at Gitnang Amerika, Canada, at Estados Unidos.

Sumabog sa kalangitan ang pinakamain­gay at makulay na fireworks sa Australia, France, United Kingdom, at sa US, na ang mga lungsod ay may kanya-kanyang tradisyon ng pagtitipon ng maraming tao sa mga sikat na lugar at istruktura sa pagsisimul­a ng taon. Nariyan ang mga banta ng terorismo ngunit naging mapayapa ang kabuuang pagdiriwan­g ng buong mundo.

Halos isang linggo na ang nakalipas simula nang mag-umpisa ang bagong taon at nadarama ngayon ang kapayapaan. Sa kanyang mensahe para sa bagong taon, sinabi ni United Nations Secretary General Antonio Guterres na patuloy na humaharap ang mundo sa maraming pagsubok, katulad ng lumalalang climate change, malaking bilang ng mga migrante na naghahanap ng kaligtasan at proteksiyo­n, patuloy na kawalan ng pagkakapan­tay-pantay sa loob at pagitan ng mga bansa. “But there are also reasons for hope,” aniya, kasabay ng pagbanggit sa usapang pangkapaya­paan sa Yemen at Timog Sudan, ang bagong pandaigdig­ang kasunduan ng climate change sa Katowice, Poland, at ang iba pang desisyon sa migration at mga naglalakba­y.

Isang pandaigdig­ang leader, si Pope Francis, ang umapela para sa pagkakaisa sa loob ng Simbahan na gumugunita sa Enero 1 bilang Pandaigdig­ang Araw ng Kapayapaan. Ngunit nanawagan din siya sa mundo, hindi lamang sa mga leader sa pulitika, na gawin ang kanilang bahagi para sa pagsusulon­g ng kapayapaan. “And that begins at home in the family,” aniya.

Maging ang ating Pangulong Duterte ay nagpaabot din ng mensahe ng pag-asa para sa mga Pilipino. Sinabi niya na patuloy nahaharap ang bansa sa “ills of drugs, criminalit­y, and corruption.” Ngunit, iginiit niyang, “I have no doubt that with our patriotic fervor and our solidarity as a people, we can overcome the challenges that impede our march towards a more prosperous and progressiv­e future.”

Tunay namang nagkaroon tayo ng mapayapang simula para sa bagong taon sa buong mundo, na nagpataas ng pag-asa sa maraming bansa, kabilang ang ating bansa. Kasama tayo sa pandaigdig­ang paghahanga­d para sa kapayapaan lalo’t marami tayong kailangang mapagtagum­payan ngayong 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines