Balita

Is 60:1-6 ● Slm 72 ● Ef 3:2-3a, 5-6 ● Mt 2:1-12

-

Pagkapanga­nak kay Jesus sa Betlehem sa Judea, sa panahon ni Haring Herodes,dumatingsa­Jerusalema­ngilang pantas mula sa Silangan. Nagtanong sila: “Nasaan ang bagong silang na hari ng mga Judio? Nakita namin ang pagsikat ng kanyang tala sa Silangan at naparito kami para sambahin siya.”…

At sinabi nila: “Sa Betlehem ng Juda sapagkat ito ang isinulat ng Propeta: ‘At ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakaaba sa mga angkan ng Juda, sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno: siya ang magiging pastol ng aking bayang Israel.’ ”

Kaya lihim na tinawag ni Herodes ang mga pantas at hiningi sa kanila ang mga impormasyo­n tungkol sa sumikat na tala. At saka niya sila pinapunta sa Betlehem at sinabi: “Pumunta kayo at alamin ang tungkol sa bata. Pagkakita ninyo sa kanya, bumalik kayo sa akin para makapunta rin ako sa kanya at makasamba.”

‘Ang Pagpapakit­a ng Panginoon’

Ang pagsilang kay Jesus ay siya ding Pagpapakit­a (sa Griyego: epiphaneia) ng Diyosnanag­ingtao.Tayoba’ynaniniwal­a na ang Anak ng Diyos, si Jesus, ay nagkatawan­g tao?

Ayon sa isang Kristiyano­ng Pilosopo na si Blaise Paschal: “May tatlong uri lamang ng mga tao: (1) yaong nakatagpo sa Diyos at naglilingk­od sa kanya; (2) yaong hindi pa natatagpua­n ang Diyos at naghahanap sa kanya, (3) at yaong mga namumuhay na hindi naghahanap sa kanya. Ang una ay makatuwira­n at masaya; ang ikalawa ay malungkot at nakapangan­gatwiran, at ang ikatlo ay hangal at malungkot.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines