Balita

Best Christmas ever, ibinida ni Mikee

- Ni NORA V. CALDERON

PINILI ni Mikee Quintos ang Miami, Florida para sa Christmas vacation niya with her parents at ng sister niyang katatapos lang kumuha ng Bar Exams. Walang snow doon, kaya nakapag-display din si Mikee ng kanyang legs sa Cocoa Beach, Florida.

Na-meet naman si Mikee ng friend naming si Jepay Austria, who is working sa Costco Mall doon at kuwento niya, maraming Pinoy ang natuwa nang makita nila si Mikee na nagsa-shopping. Kilala raw nila si Mikee, dahil napapanood nila sa primetime drama nitong Onanay.

Maraming post si Mikee sa kanyang Instagram Story habang kasama ng mga Pinoy doon na nagpa-picture sa kanya.

Ayon kay Mikee, one of the best Christmas vacations niya iyon, at nagpasalam­at din siya sa mga blessings na natanggap niya last 2018.

Isang malaking opportunit­y rin daw sa kanya ang kanilang primetime series na Onanay dahil marami siyang natutuhan. Isa rito ay ang makasama sa maraming eksena ang Superstar na si Nora Aunor as her lola sa story. Marami siyang inputs na nakuha rito, kaya isang rare opportunit­y raw talaga na makatrabah­o si Ms. Nora at si Ms. Cherie Gil, na isa pa rin sa nagbigay ng mga tips sa kanya sa acting.

“Biggest 2018 lesson: Don’t be afraid to take what you need.s Hearts might break, tears might fall, at the end of the day it’s all in our Creator’s hands. You’ll never go wrong with trusting Him with your life. May we all have a blessed year ahead! Happy New Year!!” post ni Mikee.

Back to taping na nga si Mikee ng Onanay, at nagpasalam­at din siya sa bida ng serye na si

Jo Berry, na gumanap na nanay niya, gayundin kay Kate Valdez, na stepsister niya sa serye; kina Rochelle Panganiban, as her ninang Sally; Wendell Ramos as her real father Lucas; Enrico Cuenca as her boyfriend Oliver; at sa kanilang direktor si Ms.

Gina Alajar.

Malapit nang magwakas ang Onanay, na napapanood sa primetime block ng GMA 7, after ng Cain at Abel.

 ??  ?? Mikee
Mikee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines