Balita

‘Onanay‛, sunud-sunod ang pasabog

- Nora V. Calderon

AFTER New Year, nag-post si Jo Berry sa Instagram ng ilan sa mga nakasama niyang artista ng GMA Network, simula nang maging Kapuso artist na rin siya dahil sa first teleserye niyang Onanay.

Nag-post din siya ng photos sa mga guestings niya sa mga programa ng GMA 7, at sa mga regional TV show guestings niya while promoting Onanay, na nagdala sa kanya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“It was a life-changing year for me! Hi Onay! Ikaw ang highlight ng taon ko. Sinubok mo ako nang husto 2018. Maraming salamat sa lahat ng nawala at nanatili sa buhay ko. Ang dami kong natutunan. My heart is grateful for all the blessings. Thank you po! Happy New Year everyone! Hmmm... excited na ko 2019! #susukapero­disusuko #onanay #onanayfam.”

Sa ngayon nga, ilang taping days na lang ang natitira bago ang finale week ng Onanay. Marami pang kaabang-abang na eksena.

Alam na ni Onay (Jo) na ang nakilala niyang si Natalie (Kate Valdez) ay ang tunay na anak niyang si Rosemarie, pero itinago ito sa kanya ng biyenan niyang si Helena (Cherie Gil) at inangking anak ito.

Sa ngayon ay hindi matanggap ni Natalie na si Onay ang kanyang tunay na ina, at hindi raw sila puwedeng maging magkapatid ni Maila (Mikee

Quintos) dahil ang ama nito ay isang rapist. Makumbinse kaya siya ni Helena na huwag magpa-DNA test?

At ang isa pang kapana-panabik na eksena, kung paano tatanggapi­n ni Onay na ang pinagkakau­tangan nila ng maraming tulong na mag-anak na si Lucas

(Wendell Ramos) ay ang lalaki palang nanghalay sa kanya, kaya naging anak niya si Maila. Mananaig ba ang pagtanaw ng utang na loob kaysa pasakit na dinanas ni Onay, at ang lukso ng dugo naman ni Maila kay Lucas?

Napapanood ang Onanay pagkatapos ng Cain at Abel.

 ??  ?? Jo Berry
Jo Berry

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines