Balita

Kevin Hart, okay na sa pagiging Oscars host?

-

INIHAYAG ni Kevin Hart, na una nang nagback out sa pagiging host ng Oscars dahil sa natanggap na pambabatik­os mula sa mga luma niyang anti-gay tweets, na kinokonsid­era niyang muli ang offer sa kanyang maging host ng prestihiyo­song awarding rites dahil, aniya, pinag-iisipan niya ang kanyang naging desisyon makaraang ibunyag ng komedyante­ng si Ellen DeGeneres na suportado ng huli ang una sa naturang role.

Nang makapanaya­m sa The Ellen DeGeneres

Show na ipinalabas nitong Biyernes, sinabi ni Ellen na kamakailan lamang ay nakatangga­p siya ng tawag mula sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences na maging advocate para kay Hart.

Ayon kay Ellen, na isang lesbian at siyang nag-host sa Oscars noong 2007 at 2014, sinabi umano ng Academy, na siyang nag-oorganisa ng seremonya, na “they would be thrilled to have him host the Feb. 24 awards.”

“We want him to host, whatever we can do, we’d be thrilled,” aniya na sabi umano sa kanya ng mga Academy official.

Hindi pa nagbibigay ng komento hinggil dito ang Academy nitong Biyernes.

“When I leave here I promise you I’m evaluating this conversati­on,” sabi ni Kevin, tanyag sa pagganap sa Ride Along at iba pang pelikula, kay Ellen sa interview, na kinunan nitong Huwebes.

Ilang oras lamang bago ito, inihayag ni Kevin sa Hollywood trade publicatio­n, ang

Variety, na “he would not reconsider”. “Would I ever do it? No, it’s done,” sabi ni Kevin.

Noong Disyembre, inanunsiyo ni Kevin na tinanggiha­n na niya ang pag-host sa Oscars at “(he) wanted to sincerely apologize to the LGBT community for my insensitiv­e words from my past.”

Wala nang dalawang buwan bago ganapin ang seremonya, ngunit wala pa ring iniaanunsi­yo ang prestihiyo­song award giving body sa movie business ng magiging kapalit ni Kevin.

Sa mga nakaraang tweet ni Kevin, inilarawan niya ang isang actor’s picture bilang “gay billboard for AIDS.” Sa isa pang tweet, sinabi naman niya na kung mahuhuli niyang maglalaro ang anak niyang lalaki ng doll’s house, ay sisirain niya ito at sasabihin ditong huwag maging bakla.

Sabi ni Kevin kay Ellen nitong Biyernes, “I know I don’t have a homophobic bone in my body.”

Tinawag naman ni Ellen si Kevin bilang “one of the smartest people I know, one of the funniest people I know,” at aniya pa, balewalain na lamang ang pambabatik­os mula sa “haters” na nagpausong muli ng mga nabanggit na tweet na dekada na ang tanda. “That’s a small group of people being very, very loud,” sabi ni Ellen. “We are a huge group of people who love you and want to see you host the Oscars.”

Ang ginawa namang pagdepensa ni Ellen kay Kevin ay naging mitsa para siya naman ang kuyugin ng mga Twitter users.

“It’s depressing that Ellen’s enthusiasm for Hart hosting the Oscars ... led her to contribute to a narrative that Hart is the victim of ‘haters’,” post ng Buzzfeed senior film reporter na si Adam B. Vary.

 ??  ?? Kevin
Kevin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines