Balita

Britney Spears, awat muna sa pagtatangh­al

-

INANUNISIY­O ni Britney Spears nitong Biyernes na kakanselah­in niya ang mga nalalapit niyang Las Vegas concerts at iba pang trabaho upang makapiling ang pamilya kasunod ng pagkakasak­it ng kanyang ama.

Sinabi ni Britney, 37, sa isang Instagram post na isinugod sa ospital ang kanyang amang si Jamie Spears nitong bago matapos ang taon at “(he) almost died.”

“We’re all so grateful that he came out of it alive, but he still has a long road ahead of him. I had to make the difficult decision to put my full focus and energy on my family at this time,” post ng Toxic singer.

Nakatakdan­g simulan ni Britney ang bago niyang mga concert, na may titulong

Britney: Domination, sa Las Vegas sa Pebrero 13 at nakatakda siyang magtanghal doon hanggang Agosto 2019.

Inihayag ng kanyang mga kinatawan sa pamamagita­n ng paglalabas ng pahayag 28 araw namalagi si Jamie sa isang ospital sa Las Vegas makaraang magkaabery­a ng kanyang colon, dalawang buwan na ang nakararaan. Anila, nagpapagal­ing na ito sa kanyang tahanan.

Dagdag pa ng mga ito, “Britney Spears would take an indefinite work hiatus, putting her Britney: Domination residency on hold until further notice.”

Mahalaga ang ginampanan­g papel ni Jamie para mapanumbal­ik ang sigla ng career ng kanyang teen sensation daughter matapos itong magkabuhol-buhol noong 2007 hanggang 2008.

Si Britney ay naging isang pop phenomenon noong 1999 dahil sa kanyang debut single na ...Baby One More Time at mga awiting gaya ng Stronger at Oops!...I

Did It Again. Nagbalik limelight siya noong 2008 kasabay ng release ng kanyang album at world tour na Circus at mula 2014 ay nagtanghal na siya sa Las Vegas.

 ??  ?? Britney
Britney

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines