Balita

Nikki Bella, may bagong love life na?

-

MUKHANG handa nang mag-move on si Nikki Bella mula kay John Cena!

Ayon sa ilang reports, karelasyon ngayon ng 35 taong taong gulang na WWE star ang dati niyang Dancing With the Stars partner na si

Artem Chigvintse­v. Naging magkapreha ang dalawa sa 25th season ng DWTS noong 2017 at pang-anim na natanggal sa kumpetisyo­n.

Kumalat ang balita kasabay ng release ng ikaapat na trailer ng Total Bellas, kung saan makikita na magkasaman­g kumain ng hapunan sina Nikki at Artem at umangkas pa ang una sa motorsiklo ng huli. Ipinakita rin sa clip na nakikipag-date si Nikki sa dating Bacheloret­te contestant, si Peter Kraus,

at inamin niya rito na “(she) hasn’t kissed another guy in nine years” bukod kay John Cena. Kapagdaka’y hinalikan ni Peter si Nikki, ayon sa Entertainm­ent Tonight.

Sa sneak peek, tinawag ni Nikki ang dating bilang “confusing” at inamin niyang “(she’s) still in love” sa kanyang ex-fiance.

Tinapos nina Nikki at John ang kanilang engagement noong nakaraang taon at bukas sa publiko ang naganap sa kanilang relasyon dahil sa nakaraang season ng Total Bellas.

Noong Disyembre, namataan ng isang fan na magkasama sina Nikki at Artem sa farmer’s market sa California. Kahit hindi pa inaamin ng dalawa ang tungkol sa namumuo nilang relasyon, ay nag-post naman si Nikki sa Instagram nitong Huwebes, ilang oras lamang mula nang kumalat ang balita, ng ilang inspiring messages.

“Everything can change in just one day,” post niya.

 ??  ?? Artem at Nikki
Artem at Nikki

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines