Balita

Ika-15 labas

- R.V. VILLANUEVA

ANG mga gumugulong katanungan sa isipan ni Leo ay nasagot ayon na rin sa salaysay ng kanyang asawa.

“Naengkanto ka?” kandidilat siya. Bagama’t hindi na bago sa kanya ang mga kuwentong engkaengka­nto, at naniniwala siya sa mga ito, nabigla pa rin siya. Tumango lang ito. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” pagtitiyak ni Leo sa asawa. Inisip niyang baka nagbibiro lamang ito. Pero wala sa mukha nito na nagbibiro.

“Hindi ka ba naniniwala?” balik- tanong nito.

“Sigurado ka nga?” giit niya. Sumulyap ito sa kanya, sabay tango.

“At engkanto ang dahilan kaya ka ba nabuntis at nanganak ng ahas?”

“Oo nga,” giit pa nito. Tila nagmamakto­l. “Isipin mo nga, pa’no naman ako mabubuntis, e wala ka.”

“Si Lolo Onyong ba ang nagsabi?” tanong niya na ang kilalang albularyo ang tinutukoy, na siyang nagpalabas ng ahas mula sa sinapupuna­n ng kanyang asawa. Kilala ito, hindi lamang sa kanilang barangay, kundi maging sa buong bayan nila dahil sa husay manggamot. Ni hindi pa raw ito sumasablay sa panggagamo­t. Sabi nga, takbuhan kapag hindi kayang gamutin ng doktor ang isang maysakit. Maging siya man, malaki ang tiwala sa albularyo. Hindi niya minamaliit ang kakayahan nito bilang albularyo.

Tango lang uli ang naitugon nito.

“Ano raw ba ang nakita ni Lolo Onyong?”

“Malaki raw ang galit sa akin ng engkanto at ginantihan ako.” “Ginantihan?”

“Oo,” tango nito.

“Bakit ka naman ginantihan?” “Napatay ko raw kasi ang ahas na alaga ng engkanto.”

Napakunot noo siya. “Sa’n mo ba nakita ang ahas?”

“Isang hapong nagwawalis ako ng mga sukal do’n sa may lilim ng puno ng sampalok d’yan sa likuran natin, nang biglang may nalaglag. Akala ko nga, sanga lang, ahas pala, kulay itim, at ga-braso ng bata ang laki.”

Nabaghan si Leo. Muli niyang naalala ang madalas niyang napapanagi­nipang ahas. Kulay itim, ga-braso ng bata ang laki. Hindi ba ito ang tinutukoy ng kanyang panaginip? At ano ang nais ipahiwatig ng mga ito? Naalala rin niya ang ahas na napatay ng kanyang kasama. Kung nagkataon man iyon, isang pambihiran­g pagkakatao­n.

“Anong ginawa mo?”

“Sa gulat ko, nakadampot ako ng kahoy at saka hinampas ko nang hinampas hanggang sa mamatay. Hindi ko naman alam na alagang ahas pala ‘yon ng engkanto. Ni hindi ko nga alam na me namamahay palang engkanto d’yan sa may puno ng sampalok na ‘yan. E, ilang taon na kaming nakatira rito, wala naman akong kakaibang napansin. Kahit noong sina itay at inay pa lang ang nandito, wala rin daw silang napansin. Pero sabi kasi ng albularyo, maaaring nabulabog daw ang engkanto sa dati nilang tirahan at lumipat lang daw d’yan sa may puno ng sampalok.”

“Me naramdaman ka ba nang mapatay mo ang ahas?”

“Oo, dahil kinagabiha­n, namilipit ako sa sakit ng t’yan. Kaya ipinatawag ko si Lolo Onyong ke Inay. Ayon, naengkanto nga raw ako.”

“Nawala naman ang sakit?” “Oo,” tango nito. “Pero habang lumilipas ang mga linggo hanggang sa inabot ng buwan, napansin kong me pagbabago sa ‘kin. Hinala ko, buntis ako. Kasi hindi na ako dinatnan.”

“Hindi ka ba nagpatingi­n sa doktor?”

“Nagpatingi­n,” napasulyap pa ito sa kanya. “Inultrasou­nd nga ako. At buntis nga daw ako. Kasi ayon sa result ng ultrasound, me pintig.”

Itutuloy

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines