Balita

Go, naniniwala sa galing ni Didal

- Annie Abad

Suportado ng Go For Gold ang kampanya ni Asian Games gold medalist Margielyn Arda Didal para sa qualifying bid nito sa 2020 Tokyo Olympics.

Kasalukuya­ng nasa Rio de Janeiro sa Brazil si Didal, upang simulan ang kanyang kampanya para makakuha ng ng puntos para sa slot sa olimpiyada sa kanyang pagsabak sa Street League Skateboard­ing PRO Championsh­ips na magaganap sa Enero 8hanggang 11.

Ayon kay Jeremy Go, ang Godfather ng Go For Gold, naniniwala siya na makakmit ni Didal ang pinakaasam na slot para sa Olimpiyada sa taong 2020 dahil sa angking galing nito.

``I believe she is one of the leading contenders for our country to get another Olympic medal,’’ pahayag ni Go.

Pangarap ni Didal na maging isang kagaya ni 2016 Olympic silver medalist Hidilyn Diaz o mahigitan pa ang nakamit ng nasabing Filipino weightlift­ing star sa pamamgitan ng pagkopo ng mailap na gintong medalya sa 2020 Tokyo Games.

``It’s a dream that I hope to fulfill. But for now, my focus is how to earn a spot in the Olympics through a series of ranking competitio­ns where I have to perform at my best,’’ ayon sa 19anyos na si said Didal.

Isa si Didal sa mga atletang sinusoport­ahan ng Go-For-Gold sa anim na sports na inaalagaan nito.

Makakasama din ni Didal sa nasabing labanan sa Brazil ang Oregon-based Pinay skateboard­er na si Christiana Means.

``We wish her (Didal) good luck in her tournament and will continue to support her and our other Pinoy skateboard­ers,’’ ayon kay Go.

Bukod sa skateboard­ing, inaalagan din ng Go For Gold ang mga sports na cycling, triathlon, sepak takraw, dragonboat at wrestling.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines