Balita

Jett Manuel, goodbye na sa PBA

-

Pormal nang nagpaalam si JETT Manuel sa koponan ng Barangay Ginebra sanhi ng kanyang kagustuhan na matulungan ang mga pamilya sa kanilang family business.

Ayon sa 26-anyos na si Manuel, hindi naging madali para sa kanya ang naging desisyon gayung mahal niya talaga ang basketball.

Ngunit kahit na nag alok ng isang taon pa na kontrata ang management ng Ginebra, mas pinili niyang tulungan ang kanyang mga magulang para sa negosyo nito gayung nais niya ng isang stable career.

“Majority talaga ng decision came from me wanting to help my parents kasi nung after college, they were asking me what I wanted to do and if I want to help them na. Pero I wanted to see how far I can go with basketball. They were very supportive,’ ayon kay Manuel.

“Pero ang naging kicker talaga sa akin is eldest child ako so it’s something na I want to really help my parents. ‘Yun talaga ‘yung naging reason. ‘Yun ang one of the biggest reasons that made me decide,” pahayag niya.

Si Manuel, isang lisensyado­ng Cilvil Engineer buhat sa University of the Philippine­s, ay direktang kumunsulta sa kanyang mga magulang hinggil sa desisyon matapos na mapaso ang unang taon niya sa Gin Kings nitong nakaraang taon.

“I started to think and look for opportunit­ies within the PBA and also outside. When I started looking, I felt like I tried to figure out what I wanted. And I ended up choosing na I want to help my family and my parents with the business and use my degree. Basically, ‘yun ang nangyari,” ani Manuel.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines