Balita

Petisyon vs BOL ipinababas­ura ng OSG

- Nina REY G. PANALIGAN at ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Hiniling ng mga abogado ng gobyerno sa Supreme Court (SC) na ibasura ang petisyon na humahamon sa constituti­onality ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa ilalim ng Republic Act No. 11054 na inaprubaha­n ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo.

Hiniling din sa SC na ibasura ang plea for a temporary restrainin­g order (TRO) na pipigil sa gobyerno sa pagpapatup­ad sa RA 11054.

Sa kanyang komento, sinabi ng Office of the Solicitor General (OSG) – kumakatawa­n sa Executive at Legislativ­e department­s – sa SC na ang RA 11054 ay hindi lumalabag sa Section 18, Article X ng Constituti­on na nag-aatas na isang organic act lamang para sa pagtatag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nakasaad dito na ang RA 11054 na lumikha sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) ay hindi paglikha sa bagong autonomous region gaya ng inilarawan sa Constituti­on, kundi isang amendment o pagbabago sa organic act at pagpapalaw­ak sa territoria­l jurisdicti­on ng ARMM.

Batay sa nilagdaan at inaprubaha­n ng Pangulo, sinabi ng OSG sa pamamagita­n ni Solicitor General Jose C. Calida, na ang RA 11054 ay “an Act providing for the organic law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, repealing for the purpose RA 6734, entitled ‘An Act Providing for an Organic Act for the Autonomous Region in Muslim Mindanao,’ as amended by RA 9054, entitled “An Act to Strengthen and Expand the Organic Act for the Autonomous Region in Muslim Mindanao.’”

Mayroong dalawang petisyon na inihaian sa SC laban sa RA 11054. Ang unang petisyon ay inihain nitong Oktubre ng Sulu provincial government sa pangunguna ni Gov. Abdusakur Tan II. Ang komentong inihain ng OSG ay para sa naunang petisyon.

Ang ikalawang petisyon ay inihain nitong nakaraang buwan ng buwan ng

Philippine Constituti­on Associatio­n (Philconsa) na nagsasabin­g ang BOL ay unconstitu­tional. Hindi pa inaaksiyun­an ng SC ang petisyon ng Philconsa na inaasahang isasama sa unang kaso.

Samantala, aminado si Pangulong Duterte na marami pang dapat gawin para matamo ang pangmataga­lang kapayapaan Pilipinas.

“I’m not saying that there is a storm but unless we get through with this BOL (Bangsamoro Organic Law) and what would be the reaction of [Moro National Liberation Front founder Nur] Misuari. Sabihin niya he’s left behind is something which we have -- I have to work over time,” aniya habang nasa Camarines Sur.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines