Balita

Elisse at McCoy, halatang ‘like’ pa ang isa’t isa

- Ni DINDO M. BALARES

DATI nang malabo ang relasyon na lalo pang lumabo dahil hindi na nagkaroon ng maayos na komunikasy­on sina McCoy de Leon at Elisse Joson simula nang magkaroon sila ng hindi pagkakauna­waan sa Star Magic Ball last year.

Ito ang nalaman namin sa interview namin sa dalawa sa presscon ng Sakaling Maging Tayo, unang pelikulang pinagbibid­ahan ng love team nila.

Hindi malinaw ang pagiging magkasinta­han nila, na “parang kami na” ang descriptio­n nila.

Tuluyan nang nagkahiwal­ay ang McLisse, dahil ayon sa spy namin sa ABS-CBN, may bago nang lalaking malapit si Elisse.

Pero na-appreciate ng entertainm­ent writers na dumalo sa presscon ang honesty ng dating lovers.

Pareho silang umamin na kung magkakaroo­n ng second chance ang relasyon nila, sisiguradu­hin na nilang masaya sila sa piling ng isa’t isa. Hayun, hinayang na hinayang ang lahat dahil mukhang may mga puwersa lang na hindi nila nakontrol kaya naudlot ang love story nila sa tunay na buhay.

Ramdam pa ang dating pagtatangi nina Elisse at McCoy sa isa’t isa, pero iba na ang sitwasyon nila. Nagbabago ang kalagayan sa panlabas na mundo, pero ang mundo sa loob ng puso, may dating damdamin pa ring natitira at hindi naiba.

O, hugot ‘yan, hahahaha! Pasensiya na po, nakakahawa kasi ang McLisse!

Sa istorya ng Sakaling Maging Tayo, first year college sina Pol (McCoy) at Laya (Elisse), na “hindi sinasadyan­g nagkakilal­a” noong huling araw nila sa school sa Baguio City. Babalik na ng Manila si Laya para makalimot sa bigong pag-ibig at dadalo naman si Pol para magpakasay­a sa isang music festival. Nasaksihan ni Pol ang breakdown ni Laya at naisipang pasayahin ito at bigyan ng masayang alaala sa huling gabi nito sa Baguio. Pagkakatao­n na rin ni Pol na makapiling ang dalaga na matagalnan­iyanghinah­angaan mula sa malayo. Kung sakaling maging “sila”, ito ang isasalaysa­y ng bagets pang direktor na si JP Habac. Sa January 16 na ang playdate ng pinakabago­ng Black Sheep movie.

 ??  ??
 ??  ?? McCoy at Elisse
McCoy at Elisse

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines