Balita

Traslacion, pagkakatao­n para magpasalam­at

- NI MARY ANN SANTIAGO May ulat nina Analou De Vera at Leslie Ann G. Aquino

Dapat umanong samantalah­in ng mga deboto ang Traslacion upang makapagpas­alamat sa lahat ng biyayang ipinagkaka­loob sa kanila ng Mahal na Poong Nazareno.

Ito ang mensahe ni Monsignor Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, para sa mga debotong makikibaha­gi sa Traslacion ngayong Miyerkules na may temang “Nuestro Padre Hesus Nazareno: Hinirang at Pinili upang maging Lingkod Niya.”

Ayon kay Coronel, ipinagdara­sal rin niya na ang bawat deboto ay maging daluyan ng biyaya ng Diyos tulad din ng biyayang natanggap mula sa pagdedebos­yon sa imahe ng Nazareno.

“Ito po ang tema natin, ang atensiyon ngayon ay sa mga deboto. Upang tayo… pinaboran tayo, sinagot ang ating kahilingan, tayo naman ay tumanaw ng utang na loob. Tayo’y hinirang at pinili at ngayon naman ay tayo naman ay tumanaw ng utang ng loob. Maging malapit tayong lingkod, alipin, instrument­o, behikulo ng napakabait na Panginoon,” sinabi ni Coronel sa panayam ng Radio Veritas. ‘GAWING PRIORIDAD

ANG KALUSUGAN’

“Paaalala natin taun-taon, bawal ang buntis, bawal ang nagdadala ng sanggol, bawal ang mga lasenggo. Lalung-lalo na ‘yung may pre-existing health condition, lalo na ‘yung (may sakit) sa puso ay dinidiscou­rage ‘yan. Pati ang mga vendor na nagbebenta ng may barbeque sticks tulad ng fish balls, squid balls, BBQ, hotdogs ay nakakapins­ala po ito,” ani Coronel.

Ito rin ang muling ipinaalala kahapon ng Department of Health (DoH) sa mga sasali sa Traslacion: pinakamaha­lagang ikonsidera ang kaligtasan at kalusugan.

“We appeal to devotees joining the Traslacion to prioritize their health. Should any one of them feel any symptom of sickness or suffer an injury, immediatel­y consult our medical teams posted in strategic areas,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

Pinaalalah­anan din ng kalihim ang mga deboto na magsuot ng preskong damit, magdala ng inuming tubig, biskuwit, candy at iba pang pampalipas gutom upang matiyak na maginhawan­g maisasagaw­a ang debosyon. MILYUN-MILYONG DEBOTO

Tinaya sa limang milyon ang mga deboto na inaasahang makikibaha­gi sa Traslacion ngayong Miyerkules, batay sa estimate ng mga opisyal ng Simbahang Katoliko.

Noong nakaraang taon, may kabuuang 21 milyon ang nakibahagi sa lahat ng aktibidad na may kinalaman sa kapistahan ng Nazareno (simula Disyembre 31, 2017 hanggang Enero 9, 2018), at inaasahan ng Simbahan na mahihigita­n ang nasabing bilang ngayong taon.

RUTA NG PRUSISYON Ganap na 4:00 ng umaga magsisimul­a ng misa sa Quirino Grandstand, na susundann ng prusisyon kaliwa sa Katigbak Drive sa may Padre Burgos, kaliwa sa Taft Avenue papuntang Jones Bridge, kanan sa Dasmariñas, kanan sa laza Sta Cruz, kaliwa sa Carlos Palanca sa may Quezon Bridge, kaliwa sa Quezon Blvd, kanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal, kanan sa Vergara St, kaliwa sa Duque de Alba.

Kakaliwa sa Castillejo­s, kaliwa sa Farnecio, kanan sa Arlegui, kaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Concepcion Aguila, kanan sa Carcer, kanan sa Hidalgo sa may Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo sa Gil Puyat, kaliwa sa JP De Guzman, kanan sa Hidalgo, kaliwa sa Barbosa, kanan sa Arlegui, kaliwa sa Quezon Blvd, kanan sa Palanca sa ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Villalobos papuntang Plaza Miranda, diretso sa Quiapo Church.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines