Balita

Babaeng Saudi protektado ng UN

-

BANGKOK(DOW JONES, AFP) – Nakaiwas ang isang babaeng Saudi na tinalikura­n ang Islam at nagbarikad­a sa loob ng isang transit hotel sa Bangkok airport sa agarang deportasyo­n pabalik sa Middle East matapos siyang isuko ng Thai authoritie­s sa mga opisyal ng United Nations nitong Lunes.

Nagsimula ang standoff sa pagdating ni Rahaf Mohammed Alqunun, 18 anyos, nitong Sabado sa main internatio­nal hub ng Bangkok. Sinabi niya sa panayam ng immigratio­n na natatakot siyang papatayin ng kanyang pamilya kapag bumalik siya at balak niyang lumipad patungong Australia, kung saan hihingi siya ng entry visa at asylum.

Ngunit na-intercept siya ng mga opisyal ng Saudi habang nasa transit sa Bangkok at kinuha ang kanyang passport, kayat hindi siya nakasakay sa flight at hinarang papasok sa Thailand.

Sinabi ng Thai authoritie­s na ibabalik siya sa Kuwait, kung saan niya tinakasan ang kanyang pamilya bago lumipad patungong Thailand. Ngunit dahil sa internatio­nal concern at social media coverage, nagbago ang desisyon ng Thai authoritie.

Kalaunan ay sinabi ni Immigratio­n chief Maj. Gen. Surachate Hakparn sa isang news conference na si Alqunun “[will be] allowed to stay” matapos makapulong ang mga opisyal ng UN refugee agency.

“She is under the care of the UNHCR now but we also sent Thai security to help take care (of her),” ani Surachate sa reporters sa Suvarnabhu­mi airport.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines