Balita

PNP, DILG, kakasuhan ng ACT Teachers

- Charissa M. Luci-Atienza at Vanne Elaine P. Terrazola

Sinabi kahapon ni ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio na magsasampa sila ng kaso laban sa Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman kaugnay sa PNP memorandum sa profiling ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Sinabi niya na dapat itigil ng PNP ang profiling, red baiting, at harassment nito sa mga guro, organisasy­on, partylists, at mga kandidato.

“Hinihiling namin ang pagtigil nito at panawagan namin sa PNP at Malacañang na irespeto ang demokratik­ong karapatan ng mga guro,” ani Tinio sa mga mamamahaya­g sa isang press conference.

“ACT will be taking legal action,” aniya.

Sinabi niya na ang PNP memorandum, inisyu noong Setyembre 2018, ay lumalabag sa human rights at election laws, at inakusahan ang PNP ng pakikisang­kot sa partisan politics at hindi makatarung­ang kampanya laban sa mga kandidato.

“Pagtuunan nila ng pansin ang mga kriminal, ang mga masasamang loob. Bakit ang mga teachers? Ano bang nilalabag na batas ng ACT. Mali bang mag-demand ng mataas na suweldo sa mga teachers? What is wrong? Why is the police wasting resources on our teachers?” ani Tinio.

Sinabi niya na sa 700,000 public school teachers, 200,000 ay mga miyembro ng ACT.

Hiniling naman ng seven-man Makabayan ang agarang pagdinig sa House Resolution 2233 para imbestigah­an ang nasabing PNP memorandum.

“We strongly demand that the PNP immediatel­y withdraw this memo and its implementa­tion,” aniya.

Ang Makabayan Bloc coalition sa Kongreo ay binubuo nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ACT Teachers partylist Reps. Tinio at France Castro, Gabriela Women’s Party Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, Anakpawis partylist Rep. Ariel Casilao at Kabataan partylist Rep. Sarah Elago.

Sinabi rin kahapon ni Senador Panfilo Lacson na sa halip na mga guro, dapat ibaling ng PNP ang surveillan­ce efforts nito sa mga nasibak na pulis at sundalo na maaaring naging miyembro na ng guns-for-hire.

“In that way, they may be able to solve a lot of crimes, even preempt them,” ani Lacson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines