Balita

BOL plebiscite matutuloy –Palasyo

- Genalyn D. Kabiling at Francis T. Wakefield

Kumpiyansa ang Malacañang na matutuloy ang plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) alinsunod sa itinakda sa kabila ng reenacted budget para sa first quarter ng taon.

Tiniyak ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo sa publiko na kasama sa 2018 national budget ang alokasyon para sa plebisito sa Bangsamoro region.

“The upcoming plebiscite on the Bangsamoro law, however, will not be affected as the budget for this was already included in the 2018 budget,” ani Panelo.

Nauna nang ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) na ang ratipikasy­on ng Bangsamoro law ay isasagawa sa dalawang magkakahiw­laay na araw.

Ang plebisito para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, Cotabato City, at Isabela City sa Basilan, ay gaganapin sa Enero 21. Ang plebiscite naman para sa Lanao del Norte at iba pang Bangsamoro core areas ay nakatakda sa Pebrero 6.

Samantala, ipinagdiri­wang na ng mga residente ng island-province ng Bongas, Tawi-tawi ang ratipikasy­on ng BOL nitong Lunes halos tatlong linggo bago ang pagdaraos ng plebisito.

“The event right now is not a campaign rally for the BOL. Rather, we are already celebratin­g its victory as early as now,” ani Tawi-tawi Gov. Rashidin Matba.

“BOL has overwhelmi­ng support in Tawi-tawi,” aniya pa.

Nagpasya ang organizers ng event, binubuo ng local government officials at civil society groups sa Tawi-tawi, na magdaos ng “advanced celebratio­n” dahil sa kanilang mataas na expectatio­ns na mananalo ang BOL sa probinsiya.

Libu-libong tao ang nagtipon sa Mindanao State University Gym, na tadtad ng malalaking tarpaulins na may nakasulat na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinihikaya­t ang mga botante na pagtibayin ang BOL.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines