Balita

Muling pagbubukas ng Tubigon Port

-

BALIK na sa operasyon nitong Sabado ang pantalan ng Tubigon, Bohol nang matapos ang pagsasaayo­s ng mga nasirang bahagi nito dulot ng magnitude 7.2 lindol na tumama sa lugar, limang taon na ang nakalilipa­s.

Pinabilis ang pagsasaayo­s at pagpapagan­da ng pantalan matapos ang ginawang inspeksiyo­n sa lugar ni Transporta­tion Secretary Arthur Tugade noong Marso 2018.

“Under the leadership of Philippine Ports Authority general manager, Jay Santiago, and PPA Port Management Office (PMO) - Bohol port manager, James Gantalao, with the guidance of Secretary Tugade, the repair was completed in less than nine months,” pahayag ng PPA.

Kaya na ngayong tumanggap ng pantalan ng 28 barko, kabilang ang mga naglalakih­ang saakyang-pandagat, na halos triple ng dati nitong kapasidad na sampung barko. Mayroon din itong tatlong roll-on, roll-off (RORO) pantalan para sa pagbababa ng mga craft tanks at iba pang kargamento.

Air-conditione­d ang gusali para sa terminal ng mga pasahero na kayang pagsilbiha­n ang nasa 4,000 pasahero kada araw mula sa dati nitong 1,500 kapasidad. Mayroon ding child care station facility at mga security facilities, kabilang ang baggage X-ray machine at walk-through metal detector.

Kasama rin sa naging rehabilita­syon ng lugar ang pagtatatag ng mga onestop shop para sa mas magaan na proseso ng pagbabayad sa mga port charges; pagsasaayo­s ng mga tawiran, lighting system, pansegurid­ad na mga bakod at daanan; at pagpapagan­da ng kalsada na madadaanan papunta sa pantalan.

“The rehabilita­tion of the Tubigon port forms part of the government’s infrastruc­ture plan to further develop Bohol’s economy, which was severely affected by the devastatin­g quake that left hundreds dead and billions of pesos worth in damages,” ayon sa PPA.

Ang Tubigon port ang magsisilbi­ng pangunahin­g daungan para sa mga sasakyang-pandagat na tumatawid sa rutang Tubigon-Cebu City, at isang alternatib­ong paraan ng transporta­syon para sa mga naglalakba­y mula Bohol patungong Cebu o vice versa na magpapadal­i sa oras ng biyahe.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines