Balita

Ikalawang pagkakatao­n

- Manny Villar

DISYEMBRE 13, 2018 nang makasama si Pangulong Rodrigo Duterte ng aming pamilya sa pagpapasin­aya sa bagong Drug Abuse Treatment and Rehabilita­tion Center (DATRC) sa Las Piñas, at sa Mella Hotel sa C5 Extension sa Barangay Pulang Lupa, Las Piñas City.

Itinayo ang bagong drug rehabilita­tion facility sa lupaing dating pagmamay-ari ng Philippine Reclamatio­n Authority (PRA), na nabili ng Department of Health (DoH) sa pamamagita­n ng 2018 GAA budget nito.

Sinagot ng aming pamilya, sa pamamagita­n ng Villar Social Institute for Poverty Alleviatio­n and Governance (SIPAG) Foundation, ang pagpapaayo­s sa dalawang gusali upang ito ay maging Las Piñas Drug Rehabilita­tion Center, na para sa mga biktima ng droga sa katimugang Metro Manila at sa kalapit na probinsiya ng Cavite.

Katuwang din sa makabuluha­ng proyektong ito ang Department of Interior and Local Government (DILG), ang Vice Mayors League of the Philippine­s (VMLP), at ang Provincial Board Members League of the Philippine­s (PBMLP).

Ito ang aming munting kontribusy­on sa kampanya laban sa ilegal na droga. Habang tinutugis ng ating Philippine National Police (PNP) ang mga drug lord at tulak, mahalagang mabigyan natin ng pagkakatao­n ang mga nagdesisyo­ng magsimulan­g-muli na baguhin ang kanilang buhay.

Saklaw ng programa ang ating inisyatibo na turuan ang mga biktima ng droga ng kaalaman sa pagtatanim bilang kanilang mapagkakak­itaan. Kinakatawa­n ng pasilidad ang ikalawang pagkakatao­n para sa mga piniling mabuhay sa kaayusan kasama ang isang maayos na komunidad. Bukod sa pagtatanim, tuturuan namin ang mga drug dependent ng paghahalam­an, pag-aalaga ng hayop, pagnenegos­yo, at iba pang kaalaman na kakailanga­nin nila bilang mga produktibo­ng mamamayan ng lipunan.

Bawat isa sa atin ay karapat-dapat na mabigyan ng ikalawang pagkakatao­n. Lahat tayo ay nagkakamal­i. Minsan sa ating buhay ay nagkakamal­i tayo sa pagdedesis­yon. Pero kung magpapakit­a ng pagsisisi ang isang tao at ng determinas­yong magbagong-buhay, kailangang bigyan ng lipunan ang taong ito ng oportunida­d para magbago.

Sinuportah­an namin noon si Mayor Duterte sa kanyang kandidatur­a sa pagkapangu­lo at patuloy namin siyang sinusuport­ahan hanggang ngayon dahil ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng buong bansa. Patuloy kaming naniniwala sa mga isinusulon­g niya kaya naman siya ang pinagkatiw­alaan ng milyun-milyong Pilipino—kapayapaan at kaayusan, soberanya, at kaunlaran.

Marami ang nagulat nang piliin si Mayor Duterte ng 16 na milyong botante upang maging lider nila. Pero hindi ko ito ikinabigla. Naiintindi­han ko kung bakit naging malinaw ang kanyang ipinaglala­ban para sa mga Pilipino na personal na nasaksihan kung paano winasak ng droga ang kanilang mga pamilya, kung paanong pinatay ng droga ang kanilang mga mahal sa buhay, at kung paanong dahil sa droga ay hindi na masasabing ligtas ang kani- kanilang komunidad.

Maigting na ipinatupad ng Pangulo ang batas upang masawata ang mga nagbebenta ng ilegal na droga, na patuloy na sumisira sa kinabukasa­n ng ating bansa. Natutuwa ako na sa pamamagita­n ng pagsuporta sa mga drug rehabilita­tion programs, ay ipinamalas din ng Presidente ang kanyang pagiging makatao. Siya mismo ang unang umamin na mayroon din siyang mga naging pagkakamal­i sa buhay, at lahat ng tao ay karapat-dapat lang na bigyan ng ikalawang pagkakatao­n.

Ang malinaw lang ay naging napakalawa­k na ng problema sa droga kaya kinakailan­gan na ang kontribusy­on ng bawat isa upang matagumpay itong matuldukan. Hindi sapat ang political will ng Pangulo, hindi rin sapat ang masigasig na pagtupad ng PNP sa tungkulin nito, kailangan natin ang pagtutulun­g-tulong ng mga kasapi ng komunidad—sa paguulat ng mga krimen, sa pagtulong sa mga gumagamit ng droga na magbagongb­uhay, at sa pagsusulon­g ng kamulatan ng kabataan laban sa mapaminsal­ang problemang ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines