Balita

Panghihipo: Biro lang

- Bert de Guzman

PARA kay Vice President Leni Robredo, ang insidente ng panghihipo umano ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa kanilang kasambahay (maid) noong teenager pa siya ay hindi nakatatawa. Para naman sa Palasyo ng Malacañang, iyon ay isang biro lang na inimbento ng

ating Pangulo.

Hindi nagustuhan ni beautiful Leni ang “panghihipo” remark sa biro ni Mano Digong, na tinawanan ng kanyang audience, na ayon kay Sr. Manansan at Sen. Leila de Lima, ay mukhang mga edukado subalit nagagawang tumawa sa gayong uri ng pagbibiro.

Pinayuhan ni VP Leni si PRRD na ang “panghihipo” joke ng Presidente ay posibleng makaapekto sa mga Filipina domestic helper (DH) na nagtatraba­ho sa ibayong dagat. Dapat daw isipin ng Punong Ehekutibo ang mga Pinay na nasa ibang bansa, lalo na ang nagtatraba­ho sa Middle East.

Maraming insidente ng pang-aabuso ang naiuulat laban sa Pinay domestic helpers ng kanilang mga among Arabo, na ang turing sa ating mga kababayan

ay parang laruan, at alipin na puwedeng dungisan ang dangal. Ayon kay VP Robredo, nakatatako­t ang biro o pahayag ni PDu30 dahil ang biro niyang panghihipo sa kasambahay ay hindi kanais-nais at baka gayahin ng kalalakiha­n.

Iginiit ni presidenti­al spokesman Salvador Panelo na isang biro lang ng Pangulo ang umano’y panghihipo sa family maid, isang “istorya” lang o imbentong pangyayari. Nais lang daw ng ating Presidente na bigyang-diin ang kalokohan ng mga paring Katoliko na gumagawa ng pang-aabusong seksuwal. Ang Pangulo ay biktima raw ng sexual abuse ng isang paring Katoliko noon.

Sinabi ni VP Leni na hindi masama ang magbiro ngunit may mga biro na hindi dapat ganoon sapagkat hindi nakatatawa o kanais-nais at ito may malisya. Ganito ang

pahayag niya sa wikang English: “For the president to joke like this, you’re making our countrymen worry... If you joke or speak about this, it’s as if you’re normalizin­g such wrongdoing­s. I hope this won’t happen again.”

Sa puntong ito, sumabad na naman ang kaibigan kong palabiro-sarkastiko-pilosopo: “Hindi masama ang manghipo basta ang hihipuin mo ay babaeng nagmamahal sa iyo, tulad ng iyong girlfriend o ginang. Hindi masama ang manghipo kung ang iyong GF o ginang ay willing na pahipo.”

Mukhang tama si kaibigan sa puntong ito. Magiging kanais-nais ang panghihipo kung gusto rin ng hinihipuan at nasisiyaha­n ang nanghihipo at hinihipuan. Ay, ano ba ito at nauwi na sa hipuan ang paksa sa bahaging ito ng kolum ko. Aba, talagang malaki ang impluwensi­ya ng ating Pangulo!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines