Balita

Kris kay Atty. Gideon: ‘OMG, he’s too young!’

- Reggee Bonoan

MAITUTURIN­G na bilyonarya na ang isang Kris Aquino at puwedeng sabihing nasa kanya na ang lahat ng materyal na bagay, pero para pa rin siyang bata kapag namimili sa ibang bansa, lalo na kapag sale.

Pagkatapos ng live streaming presscon niya ay tsinika namin siya kung kumusta ang nakaraang Pasko at Bagong Taon niya sa Japan, kung saan sinalubong nilang mag-iina, kasama ang ilang KCAP staff, ang 2019.

Naaliw kami sa sagot ni Kris. “Mababaw bang sabihin na ang saya sa Japan kasi sale na lahat tapos may additional two hours na sale pa. Na-shock ako! Like kunwari, ‘yung magandang sweater na mabibili mo rito ng five thousand pesos, biglang nag-sale ro’n na naging 3,000 yen, so that’s magiging P1,700 na lang. Eh, biglang nag-announce na may additional 20% off (1,360). Kayo na mag-compute kung magkano na lang.”

Pinakyaw ba niya ang lahat ng sweaters sa shelf.

“I think kaya nagalit na si Attorney Gid (Gideon Peña)

kasi siya naman ‘yung namili. Ako kasi ‘yung nagre-rest, kasi ang ginaw that day, 2 degrees. So, siguro nabuwisit siya sa rami ng binuhat niya!

“Siguro isip niya, ‘lawyer ako, mayaman kami sa Bicol tapos pinagbuhat ako ng babaeng ‘to’,” tumatawang kuwento ni Kris. May kasama raw sila sa grupo na nakakainti­ndi ng Japanese.

“She understand­s Japanese, so inaapura niya. Siyempre a sale is a sale and cashmere (sweater), ganu’n ang presyo. Sa kanila pala ang big deal (sale) January 1-20, ‘yun ang sale lahat, kaya na-shock ako.

MIGHTY WARRIOR

“At siguro nairita rin siya (Atty. Gideon) sa akin kasi nga lahat sila (KCAP team) walang ginawa kundi i-text siya ng ‘kumain ba, okay ba?’ Siguro sabi niya, ‘lawyer ako, hindi ako doctor, nurse o ano ba yan!!’ Tapos siguro (nainis) kasi mayroon siyang mga listahan at picture ng mga gamot na kailangang ipainom at this time, siguro na-annoy na siya,” masayang tsika pa ni Madam KCA.

Naramdaman ba ni Kris ang pagiging Mighty Warrior ni Atty. Gideon?

“Ewan ko, sinungitan na niya ako sa last week. Hindi naman siguro sa akin, kasi napagalita­n siya nina RB (Changco), na meron akong nakitang friend doon na ayokong pangalanan baka maintriga pa.

“Niyaya lang ako niya, him and his wife para magmeryend­a, eh, hindi ako nag-text to anybody. So lahat sila (nagulat). So napagalita­n siya (Gideon), tinalakan nila, ‘bakit mo hinayaang mag-isa, baka mawala?’ Eh, doon lang naman ako sa lobby ng hotel, nag-tsaa lang naman ako.

“Tapos siguro feeling niya (Atty. Gideon), sa edad niyang ‘yun, ‘mawawala ba ‘yan?’ (tawanan lahat). Siguro hindi naman siya sa akin naasar, nakulitan siya sa kakulitan nilang lahat (KCA team).” Pero puring-puri talaga ni Kris si Atty. Gideon.

“He’s really a good person. He and kuya (Josh) were roommates, so talagang ano sila, nagkasundo sila. Kasi sinasabiha­n siya ni kuya ng, ‘Atty, let’s sleep na’, o turned off the lights na sila. ‘Tapos, ‘attorney, let’s have breakfast na’, o baba na sila.”

Natanong din si Kris kung nabalitaan niyang nagbiro ang TV host na si Gretchen Ho sa tweet na pinapauwi na si Atty. Gideon, at maraming nag-react na supporters ni Kris sa social media. Gusto kasi ng nasabing shippers na magkatuluy­an sina KCA at Mighty Warrior. “Oh my God! No, he’s too young, OMG, no!” mabilis na reaksiyon ni Kris.

“I’ve been so vocal saying na gusto ko talaga ng doktor, allergy specialist, rheumatoid­s specialist, immunology specialist, cardiologi­st or neurologis­t.”

Sa madaling salita, hindi mangyayari ang inaasam ng supporters na maging partner sina Kris at Atty. Gideon.

Sa ilang linggong pamamalagi ni Kris sa Tokyo ay nagpasalam­at siyang hindi siya itinakbo sa ER (emergency room), kaya wala siyang nakilalang doktor.

Natanong naming si Kris kung single si Atty. Gideon.

“I don’t want to speak on his behalf, siya na lang tanungin n’yo, kasi private nga siyang tao. See, I changed,” aniya, na ang ibig sabihin ay hindi na siya madaldal.

Samantala, pasimpleng tinanong pa rin si Kris tungkol sa mga sinagot ni Nicko Falcis sa counter-affidavit nito kaugnay ng mga kasong isinampa niya sa dating tauhan. “I’m not allowed to say anything, I’m sorry. I would obey that sa mahal ng ibinabayad ko sa legal teams na ‘yan, I would obey. They’re mahal and special rate na ‘yan ha, and they’re so mahal! Parang ako mamahalan, ha, alam n’yo na?”nanlalaki ang mga matang sabi ni Kris.

ENDORSEMEN­TS Samantala, muling napag-usapan ang health issues ni Kris, na posibleng mawala ang kontrata niya sa Ariel washing powder under Procter and Gamble, na naging loyal siya sa loob

ng 15 years.

Bagamat may panghihina­yang kung mawawala ang nasabing endorsemen­t, pero nagpasalam­at pa rin siya dahil naging maganda ang samahan nila sa maraming taon.

At nabanggit na may natapos na TVC si Kris for Ariel na hindi pa umeere.

Paano kung gusto pa ring kunin si Kris ng P&G kahit may health issues siya?

“Sinulat ko doon (kontrata) na I’m always ready for the worst, I remained optimistic, okay kung (hindi na). I had the good run, parang hello naman naka-total of 15 years naman ako sa Procter and Gamble, okay na ‘yun,” katwiran ng KCAP owner.

As of now ay hindi na matandaan ni Kris kung ilan pa ang natitirang brand partners niya.

“I don’t know (now) kasi sa mga pinagsasab­i ko kanina, baka isipin nila, ‘mamamatay na ‘tong babaeng to, mai-invest pa ba tayo sa kanya?’ That’s why Dean Divina (Atty. Nilo) and Atty. Sig (Fortun) liked me, kasi I’m really courageous na parang I wanna stay this way! Parang feeling ko talaga na, ‘this is me!’ and I don’t wanna changed who I am! I’m ready kasi sabi ko nga, totoo naman na everything na pinangarap ko since 2 years old ako ibinigay na ni God, OA na kung lahat.”

Ang kasalukuya­ng brand partners ni Kris ay ang Iflix, Ever Bilena, Chowking, Asvel, Tolak Angin, Unipak, Ultherapy, Samsung TV, Samsung DA, National Book Store, Maggi, Phillips, Uni Oil, Lady’s Choice, Fucidin, Ceelin, Zalora, Lea & Perrins, Healthy Family, at Diagold.

BAGONG PROJECTS

At dahil hindi na tanda ni Kris ay sinabing ang Cornerston­e Management, na pag-aari ni Erickson Raymundo, na ang may hawak ng lahat ng kontrata niya.

At dahil nasa pangangala­ga na si Kris ni Erickson Raymundo ay natanong siya kung ano ang mga bagong plano o project sa kanya.

“I have so many but I’m not allowed to say it, I’m sorry kasi dapat ma-surprise kayo,” napangitin­g saad ng number one sa talents list ng Cornerston­e.

Nabanggit naman ni Bossing DMB

na maraming kontratang papasok na hindi inaasahan.

“Naghintay sila ng dalawang taon, nahiya naman ako so I have to give something they want,” sabi ni Kris.

Ang horror film na gagawin dapat ni Kris under Direk Adolf Alix ay hindi na matutuloy dahil bawal sa kanya ang magpuyat.

May nakatakdan­g meeting daw sina Jeff ng Cornerston­e at ang Iflix isa sa mga araw na ito.

As of this writing ay nasa Singapore na si Kris para sa two-week medical check-up niya, at okay lang sa kanya na dry ang klima sa nasabing bansa dahil malinis doon.

 ??  ?? Atty. Gideon
Atty. Gideon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines