Balita

Benepisyo sa OTS, ipinanawag­an

- Bella Gamotea

Nagkasa ng silent protest ang mga tauhan ng Office of Transporta­tion Security (OTS) sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Teminal 1, sa Pasay City, kahapon.

Nakatalaga sa departure area X-ray machines ang mga nagprotest­ang empleyado ng OTS, na pawang nakasuot ng pulang arm band upang iparating ang kanilang karaingan sa pamahalaan kaugnay ng mga hindi pa natatangga­p na benepisyo o allowances sa nakalipas na ilang taon. Sinabi ni Senior OTS Liza Abacan, tagagpasal­ita ng grupo, na nais nilang ipabatid ang kanilang panawagan sa pamunuan ng Department of Transporta­tion (DOTr), na dapat naibibigay ang kanilang allowances kada taon.

Paglilinaw ni Abacan, ang kanilang silent protest ay hindi nangangahu­lugan na inabandona nila ang kanilang trabaho kundi nais lang nilang maiparatin­g sa DOTr na hindi pa nila natatangga­p ang naturang benepisyo.

Hindi naman sila tutol sa mga bagong recruit ng Manila Internatio­nal Airport Authority (MIAA) na 175 Security Screening Division (SSD) personnel, na nakakatuwa­ng ng

OTS sa mga X-ray checkpoint, bilang karagdagan­g tauhan sa departure at arrival areas ng NAIA.

Unang inihayag ng Transporta­tion Security Administra­tion (TSA) na kulang sa security measure ang

MIAA, at hindi ito nakatugon sa panuntunan ng Internatio­nal Civil Aviation Organizati­on (ICAO), kaya navg-recruit ng mga tauhan sa SSD ang MIAA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines