Balita

WOMEN POWER SA PSA AWARDS NIGHTDIDAL, DIAZ, SASO, PAGDANGANA­N AT GO PARARANGAL­AN

- Ni MARIVIC AWITAN

Muli na namang kikilalani­n ang tinagurian­g best of the bests at mga top achievers ng Philippine sports noong nakalipas na taon sa pagdaraos ng Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) 2018 Annual Awards Night sa susunod na buwan.

Ang maningning na pagtitipon ay gaganapin sa Pebrero 26 sa Manila Hotel at tatampukan ng pagagagawa­d ng Athlete of the Year award.

Nahirang upang tumanggap ng prestihiyo­song parangalba­ng apat na kababaihan­g gold medal winners noong nakaraang Indonesia Asian Games na sina weightlift­er Hidilyn Diaz, skateboard­er Margielyn Didal at golf trio nina Yuka Saso, Bianca Pagdangana­n at Lois Kaye Go.

Nakatapos na ng kanilang deliberasy­on para sa karamihan ng mga nominado para sa iba pang mga awards ang PSA Board sa pangunguna ng kasalukuya­ng presidente ng asosasyon na si Dodo Catacutan ng Spin.ph.

Binubuo ng mga editors, sportswrit­ers at columnists mula sa mga pangunahin­g pahayagan (broadsheet at tabloid) at online media sa bansa, pipili din ang PSA ng tatanggap ng iba pang pangunahin­g parangal gaya ng President’s Award, Executive of the Year, National Sports Associatio­n of the Year, at Lifetime Achievemen­t award.

Pipili din sila ng Mr. Basketball, Mr. and Ms. Volleyball at Mr. Football awardees.

May nakalaan ding parangal ang sports fraternity na kinikilala­ng pinakamata­gal na media group sa bansa mula noong 1949 para sa iba pang sports.

Nariyan pa rin ang Tony Siddayao Awards at Milo Junior Athletes of the Year para naman sa mga kabataang atleta.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines