Balita

Tatlong legs ng PSC Batang Pinoy kasado na!

- Annie Abad

Kasado na ang pagsasagaw­a ng 2019 Batang Pinoy kung saan kumpleto na rin ang mga lugar na pagdaraosa­n nito ngayong taon sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Magiging host para sa Luzon leg ngayong taon ang Isabela, Iloilo naman ang sa Visayas at ang Davao del Norte naman ang amgiging punug-abala para sa Mindanao leg.

Siselyuhan ang kasunduan ng tatalong nasabing lalawigan at ng Philippine Sports Commission (PSC) ngayong darating na Enero 11 sa pamamagita­n ng paglagda sa Memorandum of Agreement.

Mismong si PSC Chairman William Ramirez ang siyang mangungna sa nasabing paglagda ng MOA kasama sina Governor Antonio del Rosario ng Davao del Norte, Mayor Evelyn Diaz ng Ilagan Isabela, at si Mayor Jose Espinosa III ng Iloilo City at si Iloilo Provincial Governor Arthur Defensor, Sr.

“We are sealing this partnershi­p with our host LGUs to ensure mutual cooperatio­n and achieve a successful staging of Batang Pinoy from Mindanao, Visayas and to Luzon,” pahayag ni PSC chief Ramirez.

Unang sasalang taong ito ang Mindanao leg na magaganap sa Pebrero 23 hanggang Marso 2 na gaganapin sa tagum City sa Davao del Norte, kasunod ang Luzon leg na magaganap naman sa Marso 16 hanggang 23 sa Ilagan Isabela.

Ang mga nasabing petsa ayon kay Ramirez ay sadyang pinili upang maiwasan na mangyari muli ang di inaasahang maagang pagpasok ng tag-ulan noong nakaraang taon.

“The dates for Batang Pinoy was scheduled in such a ways as to avoid inclement weather conditions which were experience­d last year,” ani Ramirez.

Matatandaa­n na muntik nanag hindi matuloy ang national championsh­ip noong nakaraang taon na ginanap sa Baguio City at Benguet Province matapos na hagupitin ng bagyong Ompong ang Norte na siyang naging dahilan ng pag atras ng ilang delegasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines