Balita

Manila Bay rehab, gagastusan ng R47B

- Mar T. Supnad at Beth Camia

Inaprubaha­n ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes ng gabi ang P47 bilyon budget para sa rehabilita­syon ng Manila Bay.

Inihayag ni Agricultur­e Secretary Manny Pińol sa isang panayam sa radyo kahapon ng umaga na inaprubaha­n ng Pangulo ang pondo sa pagpupulon­g ng Cabinet kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Pińol, magtutulon­g-tulong ang iba’t ibang ahensiya tulad ng Agricultur­e, Interior and Local government, Social Welfare and Developmen­t, at iba pa para epektibong malinis ang Manila Bay sa loob ng pitong taon.

Ang paglilinis sa Manila Bay ay mandamus bilang tugon sa desisyon kamakailan ng Supreme Court, ani Piñol.

Klinase ni Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang Manila Bay at hinati sa apat na lugar -- Bataan, Metro Manila, Cavite at Bulacan -- sa panukalang massive cleanup.

Sinabi ni Bataan DENR chief Raul Mamac na kahit mas mahirap ang paglilinis ng Manila Bay kumpara sa Boracay, “but we can do it if the public and all government agencies will work and support us.”

Isa si Mamac sa matataas na opisyal ng DENR na nanguna sa matagumpay na paglilinis ng Boracay.

Nais ni Cimatu na maibaba ang coliform level sa Manila Bay, matapos sabihin na umakyat na sa mahigit 300 million most probable number per 100 milliliter­s (mpn/100 ml) ang antas nito.

Ang coliform bacteria ay karaniwang ginagamit bilang indicator ng water pollution.

Ang malaking bahagi ng dumi sa Manila Bay ay nagmumula sa mga kanal na umaagos sa Pasig River, at sa iba pang daluyan sa Metro Manila at mga karatiglal­awigan

Ayon kay Cimatu, bubuo ang DENR ng apat na Community Environmen­t and Natural Resources Office (CENRO) sa pampang ng Manila Bay -- sa Maynila, Navotas-Malabon, Pasay-Parañaque, at Las Piñas -- upang tutukan ang paglilinis sa look, na nakatakdan­g simulan sa susunod na taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines