Balita

Kate Beckinsale at Pete Davidson, may relasyon?

-

MUKHANG may bagong tatawaging hottest celebrity couple ngayong 2019 at sila ay walang iba kundi sina Kate Beckinsale at Pete

Davidson. Yes, Pete Davidson. Ayon sa Yahoo Celebrity, iniulat ng

Page Six na ang dalawa ay “flirting and sipping Moët champagne” sa Golden Globes party ng Netflix nitong Linggo. Ayon pa sa spy, “They were outside on the patio and left together.”

Kahit hindi pa sumasagot ang mga kinatawan nina Kate, 45, at Pete,

25, nang hingian ng komento, kinumpirma naman ng isang dumalo sa party sa Yahoo na magdamag na nag-usap sina Kate at Pete sa party.

Matatandaa­n na kahihiwala­y lang ni Pete sa kanyang dating fiancée na si Ariana Grande, na sumulat ng inspiring song na Thank U, Next, kaya ang negatibong atensyon ay napunta sa kanya. Samantala, si Kate naman ay namataang nakikipagh­alikan sa British actor na si Jack

Whitehall nitong Nobyembre, at siya ay divorced sa direktor na si Len Wiseman at mayroong 19 taong gulang na anak, si Lily, sa ex niyang si Michael Sheen.

Tahimik lang sina Kate at Pete, ngunit hindi na magkandatu­to ang netizen sa pagpansin at pagpo-post tungkol sa kanilang dalawa. At may tumawag pa nga sa kanyang “hall of fame-worthy,” at marami pang iba.

Ngunit marami rin ang pinagdiina­n ang obvious: “They are kind of an unusual pair.”

Sumasagot si Kate sa mga followers niya sa Instagram, kaya sana ay maglabas din siya ng pahayag tungkol sa usap-usapan. Kung hindi, sana ay mabanggit naman ito ni Pete kapag nagtanghal na sa stage.

 ??  ?? Pete at Kate
Pete at Kate

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines