Balita

Kevin Spacey, umapelang not guilty sa sexual assault

-

HUMARAP ang dating House of Cards star na si Kevin Spacey sa Nantucket courtroom nitong Lunes, at umapela ng “not guilty” sa alegasyon ng pangmomole­stiya sa isang 18 taong gulang na lalaki sa isang island bar dalawang taon na ang nakararaan, ang kasong iginiit ng kanyang abogado na “patently false.”

Hindi nagsalita si Kevin sa brief hearing sa Nantucket District Court para harapin ang isang felony indecent assault and battery charge, kahit na nagpetisyo­n ang grupo niya ng not guilty.

Hinimok ni defense lawyer Alan Jackson si Judge Thomas Barrett na iutos sa umano’y biktima ni Kevin na ipreserba ang lahat ng datos mula sa cell phone nito sa loob ng anim na buwan, makaraan ang insidente na naganap umano noong July 7, 2016. Sinabi nito sa court papers na ang mga alegasyon ay batay sa “patently false allegation­s.”

Sinabi ni Jackson na ipinakita sa police reports na nakipagpal­itan ang 18 taong gulang na busboy ng napakarami­ng text messages at Snapchat videos sa noon ay girlfriend niya, tungkol sa naging interaksyo­n nito kay Kevin sa Club Car bar sa beach resort island, sa Massachuse­tts, ngunit hindi nito binanggit ang umano’y pangmomole­stiya.

Maaaring makulong ng hanggang limang taon si Kevin sakaling mapatunaya­ng nagkasala.

Isa lang ang 59-anyos na aktor sa dosedosena­ng lalaki sa entertainm­ent, business at pulitika na naakusahan ng sexual misconduct simula nang sumabog ang mga akusasyon laban sa movie producer na si Harvey

Weinstein noong 2017, na nagbunsod ng pagkakabuo ng #MeToo movement.

 ??  ?? Kevin
Kevin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines