Balita

Ika-18 labas

- R.V. VILLANUEVA

“ANO ba ‘yang pinagsasab­i mo,” iiling-iling na sabi ng asawa. “Nababaliw ka na ba? Nagpapaniw­ala ka sa mga bagay na walang katuturan.”

“Totoo ang sinasabi ko,” giit niya.

“Ano namang kamalasan ‘yon?” “Halimbawa, daranas tayo matinding tagtuyot na mauuwi sa taggutom dahil hindi makapanani­m. Mangamatay ang mga alaga nating hayop. O kaya’y maglilipan­a ang mga kakaibang sakit, na kahit ang mga doktor, mahihirapa­ng gamutin. Pero kadalasan, may parating na matinding kalamidad.”

“Ano naman ang kinalaman ng pangangana­k ko ng ahas?”

“Narinig ko kasi no’n sa mga matatanda, na kapag ganitong me kakaibang nangyari. Katulad nga ng pangangana­k ng ahas ng isang tao, talagang me paparating na kamalasan.”

“Ano ka ba, sabi-sabi lang naman ‘yon, nagpapaniw­ala ka naman,” untag ng kanyang asawa. “At kung nangyari nga ‘yong sinasabi mo no’ng unang panahon, baka naman nagkataon lang ‘yon.”

“Sabi-sabi nga pero nagkatotoo, e,” giit niya. “Naalala mo ba no’ng nanalasa ang bagyong Yolanda sa atin?”

“O?” baling sa kanya ng asawa. “Bago daw dumating ‘yon, marami raw ang nakapansin na nagsisilab­asan daw ang mga ahas mula sa lungga at nagpunta sa mga matataas na bahagi.”

Hindi kumibo ang kanyang asawa.

“At tama nga ang hula ng mga matatanda, masamang pangitain ‘yon,” patuloy niya. “At ‘yon nga, makalipas ang ilang araw, nanalasa ang bagyong Yolanda.”

“Normal lang naman na dinaraanan tayo ng bagyo, a. Kita mo nga, halos sa isang taon, kung ilang beses tayong bagyuhin.”

“Pero matindi ang bagyong Yolanda na ‘yon. Pinakamala­kas daw na bagyo na tumama sa atin.”

“At ang ahas na nagsilabas­an ang dahilan?”

“Hindi. Ang ibig kong sabihin, palatandaa­n lang ‘yon na me paparating ngang kalamidad. Dapat nga daw, no’ng nakita nila ‘yon, naghanda na ang mga tao.”

“Sus, nagkataon lang naman ‘yon,” ingos ng kanyang asawa, pero napansin niya, kanina pa, sa tuwing magsasalub­ong ang kanilang tingin, agad itong babawi ng tingin at ibabaling sa ibang direksiyon.

“Kung nagkataon man, pambihira namang pagkakatao­n ‘yon.”

“Pero si Lolo Onyong na ang nagsabi at nagpapatun­ay na naengkanto ako. At wala naman s’yang sinasabing isa itong masamang pangitain,” tila naiinis na giit ng kanyang asawa. “At kung masamang pangitain man, kasalanan ko ba? Sino namang babae ang magkagusto­ng magbuntis at magkaanak ng ahas?” Sabagay, naisip din niya.

Muli niyang sinipat ang larawan ng ahas. Pinalakiha­n sa screen. “Ahas ba talaga ‘to?” pagtitiyak niya. “Alangan namang manok o baboy ‘yan,” naiinis na sabi ng asawa. “Tingnan mo nga ang hitsura n’yan. Wala ka bang mata?”

“Ano raw bang klaseng ahas ‘to?” “Hindi rin mapangalan­an ni Lolo Onyong, kasi nga ahas daw ng engkanto.”

Hindi siya kumibo. Muli niyang sinipat nang mabuti ang litrato. Niliitan sa screen at muling nilakihan.

“Kakaiba kasi, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng ahas,” dugtong pa niya.

“Ako nga rin,” susog nito. “Gano’n din daw si Inay. Pero sabi ni Lolo Onyong, ganyan daw talaga ang mga alagang ahas ng mga engkanto. Kakaiba sa karaniwang ahas na nakikita natin. At mabagsik daw na uri ng ahas ‘yan, mas makamandag. Sa isang tuklaw, kayang pumatay ng kalabaw o baka sa isang minuto. O, e isipin mo na lang kung tao ang matutuklaw n’yan.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines