Balita

Azkals, kinapos sa South Korea

- Annie Abad

Hindi man nakaisa, ipinakita naman ng Philippine Azkalsang kanilang determinas­yon na piloting magwagi sa sa kanilang laban, ngunit sadyang hindi sapat ang lakas ng mga ito upang igupo ang Powerhouse na kalabang South Korea sa 1-0 pagkabigo sa kanilang paghaharap sa 2019 AFC Asian Cup Opener na ginanap sa Al-Maktoum Stadium in Dubai, Lunes ng gabi sa Manila.

Dinomina ng South Korea ang takbo ng labanan sa first half pa lamang, kung saan siniguro na lahat ng ball possession­s ay sa kanilang panig, bagama’t nagpakita ng magandang depensa ang mga Pinoy matapos na panatilihi­ng 0-0 ang iskor sa pagwawakas ng unang 45 minuto ng laro.

Nagkaroon ng pagkakatao­n ang Azkals sa huling bahagi ng first half, kung saan naharangan ni Javier Patino ang tira ni Daisuke Sato na siyang isa sa pinakamaga­ndang attempt ng mga Pinoy sa nasabing laro.

Patuloy na dumepensa ang Azkals at pinilit na kontrolin ang tempo ng laro sa second half kung saan muling nagpakitan­g gilas si Patiño at kaunti na lamang at makakapunt­os na sana para sa koponan.

Ngunit nabasa agad ng South Korea ang depensa ng mga Pinoy sa ika 67th minuto kung saan nagpakawal­a ng tira si Hwang Uijo buhat sa loob patungo sa top left corner para sa isang conversion para sa koponan.

Muling nadomina ng 2015 runner up ng Asian Cup ang laro at hindi hinayaang makalusot ang Azkals para sa kanilang unang talong puntos para sa torneo.

Ito naman ang pinakdikit na laban ng Azkals sa kanilang unang pagsabak sa Asian Cup fixture, ngunit isang karangalan pa rin gayung muntik na nilang magapi sang Powerhouse Team ng South Korea.

Mataas ang momentum ngf mga PInoy pagkatapos ng nasabing laro at inaasahang mas tataas pa sa kanilang pagharap sa China PR ngayong daratin gna Biyernes nagaganapi­n sa Mohammed Bin Zayed Stadium sa Abu Dhabi.

 ??  ?? DIAZ
DIAZ
 ??  ?? DIDAL
DIDAL

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines