Balita

MPD honesty store nalugi, isinara

- Erma R. Edera

Isinara na ng Manila Police District ang una nitong “honesty store” matapos ang malaking pagkalugi, dahil sa hindi pagiging tapat ng mga customers.

Ang “Manila’s Finest Honesty Store” ay nagtitinda ng mga pagkain na tipikal na nakikita sa sari-sari store gaya ng mga de lata, soft drinks, noodles, at kape.

Sinabi ng pulis na layunin nilang masubukan ang ugali at katapatan ng mga customers nito at alisin ang ideya na corrupt ang mga pulis.

“Honesty is the best policy. That is the concept of this. Kung sa maliliit na bagay ay honest ka, paano pa sa malalaking bagay?” tanong ni MPD Spokespers­on Erwin Margarejo.

Gaya ng honesty store sa Ivana, Batanes, ang mga paninda ay walang bantay.

Kahit walang nakatingin, ang mga customers ay magbabayad at kukuha ng sukli sa isang plastic box sa ibabaw ng food shelf.

“It’s all up to you dahil pwede kang hindi magbayad pero aim kasi nito na ituro sa lahat ang value of honesty,” ani Margarejo.

Gayunman, makalipas ang anim na buwang operasyon, nagdesisyo­n si MPD Finest Brotherhoo­d Cooperativ­e general manager Ester Tan na isara ang tindahan.

Sinabi ni Tan na simula nang umpishan nila ang operasyon noong Hunyo, malaki na ang perang kanilang nalugi.

Matatandaa­n na nasa P10,000 cash at halaga ng paninda ang ninakaw sa unang honesty store ng MPD.

Kinilala ang suspek na si Nanay Lisa, na striker sa MPD sa loob ng dekada.

Inilunsad ang honesty store ni dating MPD Director Chief Supt. Rolando Anduyan noong Hunyo 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines