Balita

Mga miyembro ng Sanggunian­g Kabataan, tutulong sa mga drug rehab center

- PNA

HINIHIKAYA­T ang mga organisasy­on ng Sanggunian­g Kabataan sa Baguio City na boluntaryo­ng maglingkod sa mga piling drug rehabilita­tion center bilang kanilang ambag sa pagsusulon­g ng kapayapaan at kaayusan, gayundin sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

“This is our way of ensuring that we have a part in the maintenanc­e of peace and order. It is the least that we can do since we cannot apprehend criminals as we also need to consider the safety of the young people,” sinabi ni SK Baguio Federation President Councilor Levy Lloyd Orcales, sa Philippine News Agency.

Sinabi ni Orcales, na may akda ng Resolution 394, series of 2018, na hinihikaya­t ng resolusyon na mapalakas ang pakikiisa ng kabataan sa “nation-building” sa pamamagita­n ng pagsasagaw­a ng mahahalaga­ng tungkulin.

“The volunteer programs that will be conducted will increase the youth’s awareness on the ill effects of illegal drug use and substance abuse,” aniya. “This will ensure that the youth will no longer be involved in any drug-related activity.”

Ayon kay Orcales, may 450,000 populasyon ang Baguio, kung saan 25 porsiyento nito ay nasa sektor ng kabataan.

Aniya, ang karanasan ay isang mabuting guro at sa pamamagita­n ng personal na makita, makadaupan­g-palad at makausap ang mga nasa drug rehabilita­tion, mas maraming matututuha­n ang kabataan, na hihikayat sa kanila na huwag masangkot sa ilegal na droga.

Una nang ipinunto ni Orcales ang kahalagaha­n ng kabataan sa pagsusulon­g na gawing ligtas ang kanilang mga lugar sa pagsisilbi bilang mga “human CCTV (closed circuit television).”

“With the advancemen­t of technology, the youth uses the Internet as their medium to monitor and report vital informatio­n on crimes,” saad sa nauna niyang pahayag.

Nabanggit sa resolusyon ang isang probisyon sa Konstitusy­on ng 1987, na nagsasaad na “The State recognizes the vital role of the youth in nation-building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectu­al, and social well-being. It shall inculcate in the youth patriotism and nationalis­m, and encourage their involvemen­t in public and civic affairs.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines