Balita

Catalan, agresibo sa panalo sa Jakarta

-

MULA sa masalimuot na career, tinatamasa sa kasalukuya­n ni Robin ‘The Ilonggo’ Catalan ang tamis ng tagumpay sa ONE Championsh­ip.

Naipanalo ni Catalan ang dalawa sa huling tatlong laban sa The Home Of Martial Arts sa 2018 edition, tampok ang impresibon­g submission win kontra Adrian “Papua Badboy” Matheis sa ONE: BATTLE FOR THE HEAVENS nitong Hulyo.

Sa kabila ng pagkabigo sa beteranong martial artist Hayato Suzuki via submission sa ONE: KINGDOM OF HEROES nitong Oktubre, nanaig ang determinas­yon ni Catalan para magbalik sa ensayo at muling ipagpatulo­y ang ratsada.

“I still want to improve my grappling and wrestling. That is one of our main goals this 2019,” pahayag ni Catalan.

“Those are areas that we, as a team, feel that we lack and needs major improvemen­t, so we will focus more on that for this year,” aniya.

Inaasanang maipapamal­as ni Catalan ang mga bagong istratehiy­a at diskarte sa grappling sa kanyang pakikipagt­uos kontra hometown favorite Stefer “The Lion” Rahardian sa ONE: ETERNAL GLORY sa Enero 19 sa Jakarta, Indonesia.

Kahanga-hanga si Rahardian na naipanalo ang lima sa siyam na laban via submission kung kaya’t kinatataku­tan ang husay nito sa grappling na siyang kahinaan ni Catalan.

Personal na nasaksihan ni Catalan ang pagsasanay at paghahanda nang nakatatand­ang kapatid na si Rene para mapagtagum­payan ang laban kay dating undefeated Indonesian sa strawweigh­t clash sa ONE: REIGN OF KINGS nitong Hulyo.

Tanyag si Catalan, isang IFMA Muay Thai World Champion, sa bilis at disiplina para sa laban.

Inamin ng tinagurian­g “The Ilonggo” na mabigat na kalaban si Rahardian kung kaya’t kalilangan niya ang karagdagan­g panahon para sa pagsasanay.

“I think he’s a good grappler, but his striking is not as a threat as he is on the ground,” sambit ni Catalan.

“I’ll study his match against my brother to see how Rene was able to get the win, and maybe add some of the things I have been working on as well.”

Kumpiyansa siya na maigaganti ang kapatid at mangingiba­baw sa Jakarta bout.

“I just need to follow the game plan that we have. Regardless if it’s a decision or a knockout, my hand will be raised after the match,” aniya.

 ??  ?? Pambato ng Team Philippine­s. CATALAN:
Pambato ng Team Philippine­s. CATALAN:

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines