Balita

NPA PEACE TALKS,GO ULI

- Nina BETH CAMIA at GENALYN D. KABILING

Inilarga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang backdoor peace negotiatio­ns sa Communist Party of the Philippine­s-New People’s Army (CPPNPA) at inatasan si dating Philippine Coconut Authority head Avelino Andal na pamunuan ang pagsisikap.

Sinabi ni Andal, miyembro ng Movie and Television Review and Classifica­tion Board, na inatasan siya ng Pangulo nitong nakarang linggo na buhayin ang peace negotiatio­ns sa grupong pinamumunu­an ni Jose Maria “Joma” Sison.

“Napag-utusan ang inyong lingkod at utos mula sa Presidente na kung maari ma-resume ang pag-uusap sapagkat ang kanyang pinagdidii­nan ay bilang Presidente ay siya’y kaibigan at hindi kaaway ng sinuman maging mga rebelde,” aniya sa panayam ng reporters sa telepono.

“Makipag-backchanne­l talks doon sa mga lider ng CPP, kay Joma kabilang siyempre si Joma na nasa ibabaw o lider ng lahat. Pero siyempre before doing that, kailangan muna mag-groundwork sa mga lider na nandito sa Pilipinas,” dugtong niya.

Aniya, sinsero ang Pangulo sa peace initiative nito at naniniwala na ito ang susi upang matiyak ang kaunlaran at katatagan ng babsa. Gayunman, hindi nagbigay si Duterte ng timeline para sa backdoor talks sa mga komunistan­g rebelde.

“Wala naman specific timeline pero ang ramdam ko gusto talaga ni Presidente Duterte na magkaroon ng katahimika­n sa bayan at magkasundo­sundo ang lahat ng mga puwersa at grupo,” aniya.

Tinanggap naman ni Sison ang muling kahandaan ng gobyerno para sa peace talks.

“Nagpaabot na ako agad ng feeler para makausap sila at actually tuwangtuwa sila dahil gusto rin nila ay bumalik sa usapang pangkapaya­paan,” aniya.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Andal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines