Balita

Obispo, may ‘friendly challenge’ kay Digong

- Ni MARY ANN SANTIAGO May ulat nina Genalyn D. Kabiling at Beth Camia

Hinamon ng isang retiradong obispo ng Simbahang Katoliko si Pangulong Duterte na gayahin ang mga obispo na naglalakad sa lansangan nang walang armas at walang bodyguards.

Ang “friendly challenge” ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ay kaugnay ng sinasabing birong panawagan kamakailan ng Pangulo sa mga tambay na holdapin at patayin ang mga obispo na makikita nila sa kalye.

Ayon kay Bacani, kung talagang matapang si Duterte ay maaari niyang subukan ang ginagawa ng mga obispo na maglakad sa lansangan nang walang anumang pag-aalinlanga­n.

“Meron lang akong friendly challenge kay Presidente Duterte, simple lang na ganito. Alam n’yo kaming mga obispo naglalakad kami, wala kaming bodyguard, wala kaming bullet-proof vests, wala kaming mga security aides na nakapaligi­d na marami. Wala kaming dalang baril, gano’n kami.

“Ang challenge ko kay President Duterte, kung talagang matapang siya, simple lang, gawin niya ‘yung ginagawa namin,” sinabi ni Bacani sa panayam sa kanya ng Radio Veritas.

Ito, ayon kay Bacani, ay para malaman kung ano ang magiging reaksiyon ng publiko sa Pangulo, habang pangkarani­wan lang para sa mga obispo ang makihalubi­lo sa iba’t ibang uri ng tao araw-araw.

SANAY NA SA BIRO

Nilinaw naman ni Bacani na hindi na bago sa kanya ang huling “biro” ng Pangulo laban sa Simbahan, sa mga obispo, sa mga pari, at sa mga Katoliko.

Una nang umalma si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga naging pahayag ni Duterte, na tinawag niyang “disgrace to our country”.

“His presidency is disappoint­ment to us, and disgrace to our country. The advice just promotes criminalit­y, encourages lawlessnes­s,” sinabi ni Santos sa naunang panayam ng Radio Veritas.

“We totally speak, stand against it. We reject and condemn what he says,” sabi pa ni Santos.

‘UNSAVOURY LANGUAGE’

Pumalag naman ang Malacañang sa umano’y “unsavoury language” ni Santos at hinimok na ipanalangi­n na lang ang Pangulo kaysa batikusin.

“We are sad with the remarks of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos that the Duterte presidency is a disgrace to the country, especially coming from a man of the cloth,” sabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo.

“The good bishop of Balanga should pray for the President, the way we pray for the Bishop’s enlightenm­ent, that PRRD may run the affairs of the country well instead of lambasting him. As we repeatedly said, we are all parts of one whole, the success of President Duterte is the success of the whole nation,” dagdag niya.

“What is a disgrace is when a member of the clergy uses unsavoury language against President Rodrigo Roa Duterte who only fulfills and complies with his constituti­onal mandate to lead the government in serving the Filipinos and protecting them from what bedevils our society,” sabi pa ni Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines