Balita

McLisse, open sa second chance

- Ni ADOR V. SALUTA Ellise at McCoy

FRIENDS and “not lovers”. Ito ang malinaw na estado ng relasyon ngayon ng love team na sina McCoy de Leon at Elisse Joson o McLisse.

Sa kanilang panayam kay Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda kamakailan, sinabi ni Elise na “ex-lovers” sila ni McCoy.

On his side, tinanong din ang Hashtag member ng It’s Showtime kung magkaibiga­n at nag-uusap pa sila ni Elisse?

“Sa mga ganito lang, sa mga interviews, sa mga work,” sagot ni McCoy.

“Hindi po… in time (magiging okay din),” sabi naman ni Elisse.

Ayon pa sa dalawa, umaasa sila na maibabalik pa nila ang friendship nila kahit hindi na ang kanilang romantic relationsh­ip.

“Siyempre po, kasi ang ganda ng samahan namin, eh,” sabi ni Elisse. “He’s someone na hindi ko na makakalimu­tan, so sayang ‘yung pinagsamah­an from before kung hindi na maibabalik.”

“May pinagsamah­an kami, eh. Naging importante siya sa buhay ko. Parang ang sakit naman sa feeling nang matapos ‘yung trabaho namin na hindi kami okay,” sey ni McCoy.

Sa “Truth or Dare” segment ni Tito Boy, inamin ni Elisse na pinakakini­lig siya kay McCoy noong nasa loob sila ng Bahay ni Kuya for Pinoy Big Brother.

“It was Valentine’s Day. He surprised me with the simplest thing,” kuwento ni Elisse, tinukoy ang ginawang bulaklak ni McCoy gamit ang hanger at tissue.

May naibuking naman si McCoy nang sabihin niya ang pinakamasa­yang memory niya kay Elisse.

“Nung nag-Bali (Indonesia) kami,” sabi ni McCoy, na mabilis na sinundan ng, “Patay ako sa magulang ko neto!”

Kuwento ni McCoy: “Bakasyon ng family ko sa Hong Kong. After nun pumunta akong Bali. Isang araw lang ‘yun, eh, tapos kinagabiha­n flight na rin pauwi. Gusto ko lang siyang (Elisse) makasama nang isang buong araw.” Dagdag naman ni Elisse, hindi sila “mag-on” ni McCoy nang mangyari ang nasabing insidente sa Bali, at nung time raw na ‘yun ay sinusubuka­n nilang maging magkaibiga­n.

Naniniwala rin daw sina McCoy at Elisse sa second chances, pero pareho silang umamin na hindi iyon mangyayari sa ngayon. Sa mga previous interviews ng dalawa, lagi nilang nababanggi­t ang kani-kanilang pamilya, na parang may kinalaman ang mga ito sa kanilang paghihiwal­ay.

Sa interview ng dalawa with the King of Talk, sinabi din ni McCoy na malungkot siya, dahil kahit naabot na nila ni Elisse ang kanilang mga pangarap ay hindi pa rin sila ganap na masaya dahil naman na sila okay ngayon.

“Ang dami naming nabanggang tao, kasama na dun ‘yung family namin. Naging masaya kami na kami lang, naging selfish kami na kami lang,” sabi ni McCoy.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines