Balita

Darna, makakalipa­d pa ba?

- Ni REMY UMEREZ

IS the Darna project really meant for Liza Soberano? Sa simula pa lang nang ihayag ang pagkakapil­i kay Liza bilang bagong Darna ay inulan na ito ng negatibong feedback. Kesyo, she is too young for the role at hindi okay kung managalog.

Sa pelikula pa naman siya lilipad, kapalit ni

Angel Locsin, na gumanap na Darna sa teleserye ng GMA 7 years ago.

Si Erik Matti ang unang napili para magdirek ng pelikulang Darna, pero kalaunan ay pinalitan siya dahil daw sa creative difference­s, kahit pa may mga eksena nang nakunan para kay Liza.

Ang ipinalit kay Direk Erik ay si Jerrold Tarog, na isa rin mabusising direktor, at kilalang months ang binibilang bago mabuo ang isang project.

May duda if he can deliver the goods, dahil it took him quite sometime bago naipalabas ang Goyo: Ang Batang Heneral. Big hit ang nauna niyang movie, ang Heneral Luna.

With the recent announceme­nt na uunahin muna ni Liza ang Valentine’s Day movie nila ni Enrique Gil, lalong matatagala­n bago masimulan ang Darna under Direk Jerrold. Nabalitang gusto rin ng huli na baguhin ang script at maging ang costume ni Darna.

Meanwhile, inip na inip na ang fans, hindi lang ni Liza, kundi maging ng Pinoy superheroi­ne kung kailan ba talaga maipalalab­as ang pinakaaaba­ngan nilang pelikula.

Worried kami na baka may asawa na si Ding ay hindi pa rin lumilipad si Darna.

 ??  ??
 ??  ?? Liza
Liza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines