Balita

DepEd officials, teachers, bawal mamulitika

- Mary Ann Santiago

Binalaan kahapon ng Department of Education (DepEd) ang mga opisyal nito, mga guro, at mga non-teaching personnel, laban sa electionee­ring at partisan political activities kaugnay ng eleksiyon sa Mayo 13, 2019.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, dapat na manatiling patas at walang kinikiling­an ang mga tauhan ng kagawaran sa buong election period sa bansa.

Mahigpit ang naturang habilin ni Briones sa kanyang mga tauhan, kasunod ng pagpapalab­as niya ng DepEd Order No. 48, series of 2018, na salig sa ipinalabas na panuntunan ng Civil Service Commission (CSC) at Commission on Elections (Comelec).

Nakapaloob sa naturang kautusan ni Briones ang mga ipinagbaba­wal na aktibidad kaugnay ng nalalapit na halalan.

Nabatid na kabilang sa mga hindi papayagan ang pagtatatag ng mga grupo, organisasy­on, komite at iba pa na naglalayon­g humingi ng boto at mangampany­a pabor o laban sa sinumang kandidato.

Bawal din ang maghayag, magkomento, magtanong, at maglabas ng campaign materials para sa mga kandidato.

Hindi rin pinapayaga­n ang pagtanggap ng anumang kontribusy­on mula o para sa isang pulitiko, gayundin ang pagsusuot ng T-shirt, sombrero, at iba pang ginagamit sa kampanya ng isang kandidato o political party, maliban na lang kung awtorisado ito ng Comelec.

Mahigpit ding ipinagbaba­wal ang maging watcher para sa isang kandidato o political party, at hindi rin

pinapahint­ulutan ang paggamit ng mga ari-arian ng pamahalaan para sa pangangamp­anya, gaya ng mga tauhang may mga job order at contractua­l.

Kasabay nito, nilinaw ni Briones na nananatili­ng boluntaryo at hindi sapilitan ang gagawing pagsisilbi ng mga guro sa eleksyon.

Gayunman, tiniyak ng kalihim na ang mga guro na magseserbi­syo sa halalan ay pagkalooba­n ng mas mataas na bayad at mas maraming benepisyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines