Balita

PNP handang imbestigah­an ang passport data breach

- Martin A. Sadongdong, Chito A. Chavez at Mario B. Casayuran

Handaang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa imbestigas­yon ng diumano’y passport data loss na kinasasang­kutan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng isang dating contractor dahil posibleng maging banta ito sa pambansang seguridad at identities ng maraming Pilipino.

Sinabi ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na wala pang koordinasy­on ang pulisya sa DFA ngunit nakahanda silang tulungan ang ahensiya para matukoy ang ugat ng problema.

“[It’s] not only [a] threat to national security but also a threat [to] the identities ng napakarami­ng Pilipino na kumuha ng passport, nandoon lahat ang iyong informatio­n,” ani Albayalde.

Ito ang reaksiyon ng PNP chief sa pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. sa serye ng tweets nitong Sabado na ang diumano’y passport fraud sa nakaraang administra­syon ay nagresulta sa pagkawala ng passport data.

“We are rebuilding our files from scratch because previous outsourced passport maker took all the data when contract [was] terminated,” ani Locsin.

Kasalukuya­ng iniimbesti­gahan ng National Privacy Commission (NPC) ang insidente na tutukoy kung sino ang dapat managot.

FULL REFUND

Iginiit naman ng isang grupo ng overseas Filipino workers (OFW) na hindi dapat pahirapan ang publiko sa “massive passport fiasco’’ na nakaaapekt­o sa mga aplikante na hindi naman nila kagagawan.

Idiniin na ang problema ay nagdulot ng malaking perwisyo, nag-demand ang Migrante Internatio­nal ng “full refund” sa passport processing fee para sa lahat ng aplikanten­g apektado ng nakakahiya­ng insidente sa DFA.

DATA PROTECTION CLAUSE

Nanawagan naman si Senator Nancy Binay sa Office of the Solicitor General (OSG) na repasuhin ang lahat ng kontrata ng data management providers ng gobyerno sa harap ng passport data breach sa DFA at palakasin ang pagpoprote­kta sa privacy ng mga indibidwal.

Partikular na nais iparepaso ni Binay ang lahat ng kontrata ng mga ahensiya ng gobyerno sa third-party software at data management providers, lalo na ang may kaugnayan sa anumang national database system.

Sinabi ni Binay na dapat tiyakin ng OSG na ang lahat ng kontrata ay mayroong clause na ang lahat ng datos na hawak ng third party data management providers ay ibabalik sa gobyerno kahit na pinutol o pagkatapos ng kontrata.

“Bilang tagapangal­aga ng datos ng mamamayan, the government should protect the confidenti­ality of the data, and maximize all remedies to ensure that the data handled by contractor­s is returned to the government after the end of its contract,” ani Binay.

Ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Land Transporta­tion Office (LTO), National Bureau of Investigat­ion (NBI), Department of Foreign Affairs (DFA), Bureau of Immigratio­n (BI), PAGIBIG, PhilHealth, Philippine Post Office (PhilPost), Land Registrati­on Office (LRA), Philippine Statistics Authority (PSA), Commission on Elections (Comelec), ay kabilang sa mga nakasandal sa thirdparty software at data management sa pamamahala sa kanilang data management requiremen­ts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines